Relasyong John Lloyd Cruz at Katrina Halili, fake news!

KAMAKAILAN lang ay pinag-usapan sa social media ang diumano’y namumuong relasyon sa pagitan ng comeback actor na si John Lloyd Cruz sa Kapuso Primera Kontrabida na si Katrina Halili.

Naispatan kasi ang dalawa na magkasama sa El Nido kasama ang anak ni Lloydie na si Elias. Lalo pang umugong ang mga balita nang pati sa Batangas property ng aktor ay naroon din si Katrina kasama ang ilang showbiz and non-showbiz friends like Maja Salvador and Mimi Juareza.

Relasyong John Lloyd Cruz at Katrina Halili, fake news!
John Lloyd Cruz and Katrina Halili

Marami ang kinilig sa posibilidad na ‘may something’ ang dalawa. Pareho silang single parents, good-looking at may marka na sa showbiz. What’s not to love about them? Why not ship them, ‘diba?

Ang kaso, fake news ang inassume ng mga netizens dahil isang non-showbiz guy diumano ang karelasyon ni Katrina, na nagkataong kaibigan din ni John Lloyd.

In short, dahil siguro parehong single, nasa showbiz at napipinto ang posibilidad na sila’y magkatrabaho sa Kapuso network ay hindi naiwasang mag-assume ng mga tao.

Sa totoo lang, pwedeng-pwede naman talaga ang Lloydie-Kat, ‘di ba? Kahit sa teleserye lang ay solb na kami!

Watcha think, mga Kapuso?