Relasyong Elisse Joson at McCoy de Leon, may pinagdadaanan?

PARANG kailan lang nang mabalitaan natin na sila ay proud parents sa isang little angel at kinakiligan natin ang ‘second chance’ sa pag-iibigan ng former PBB housemates McCoy de Leon at Elisse Joson na kilala rin bilang McLisse. Ang huli na nabalitaan namin ay busy ang dalawa sa kanilang reunion movie at may Valentine paandar pa nga sila.

Relasyong Elisse Joson at McCoy de Leon, may pinagdadaanan?
Elisse Joson and McCoy de Leon | Inset: Elisse with daughter

Pero, in just a snap ay tila ‘nag-snap’ din si Elisse Joson kaya ito nagpost ng isang status sa Facebook na ikina-alarma ng mga taong nagmamahal sa kanya.

Post ni Elisse, “Akala ko OK na pero nakakapagod pala. Gabi-gabi na lang ako walang tulog. Babad sa isip ko kung paano matitigil ‘yung paghihirap namin ni baby.”

Kahit sa kanyang Instagram stories ay nagpost din ito ng same text na may kalakip na larawan nila ni Baby Felize na nakatalikod.

Dahil dito ay nagtrend ang pangalan ni ‘Elisse’ at ng ‘McLisse’.

“Ano ba dapat ko gawin?” tanong ni Elisse sa kanyang Instagram stories.

On the other hand, nagpost din si McCoy de Leon ng status sa kanyang personal page.

“Maya’t maya akong nag-che-check para siguraduhin na okay kayo. Wala na rin akong maayos na tulog. Pero sana kahit ganito, hindi tayo susuko dahil gagawin ko ang lahat mapasaya at maprotektahan kayo ni baby.” post ni McCoy.

Hanggang ngayon ay wala pa rin klaro kung ano ang ‘hardships’ na tinutumbok ni Elisse sa kanyang naunang post. Suspetsa ng mga netizens ay baka may post-partum depression ito na normal sa mga ina na kapapanganak pa lang. Puwede rin na pagod lang ito o may ayaw banggitin na pinagdaraanan sa relasyon nila ni McCoy.

Kung anuman ito, sana ay maayos nila kaagad. Sana din ay hindi ito isang PR move na ginawa noon ng isang celebrity couple na ikinairita ng madlang pipol.