Relasyon ni Janine Gutierrez kay Elmo Magalona, aprubado kay Lotlot de Leon at Pilita Corales

ADVERTISING

Relasyon ni Janine Gutierrez kay Elmo Magalona, aprubado kay Lotlot de Leon at Pilita Corales

Janine-Gutierrez-Elmo-MagalonaAPRUBADO SI Lotlot de Leon sa relasyon ng anak na si Janine Gutierrez kay Elmo Magalona. Nag-tweet pa nga raw ang nanay niya na she’s happy sa lovelife ng anak nu’ng ipinagtapat nila na finally mag-on na sila ng aktor.

“Si mama very supportive siya sa relasyon namin. Masayang-masaya siya for me,” kuwento ni Janine sa presscon ng More Than Words ng GMA na balik-tambalan din nila ni Elmo at mapapanood bago mag-24 Oras.

Ayaw aminin ni Janine kung ilang months na silang magkarelasyon ni Elmo. “Basta a couple of months. Hahaha!” matipid niyang pahayag.

Ikinatuwa din ni Janine na boto ang lolang si Pilita Corrales sa kanyang kasintahan.

ADVERTISING

“Nagulat talaga ako, kasi kumbaga sa family namin, si Mamita ‘yung very hard to please. Pero nu’ng pinakikala ko sa kanya si Elmo, kulang na lang yakapin niya,” kuwento pa niya.

Huling nagsama sina Elmo at Janine sa seryeng Villa Quintana. Sa More Than Words muli na namang masusubukan ang lakas ng kanilang tambalan. The TV series nga pala is directed by Andoy Ranay at kasama rin dito sina Yayo Aguila, Gardo Verzosa at Jaclyn Jose.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING