Relasyon ni Janella Salvador sa Regal Films, for life!

ADVERTISING

Relasyon ni Janella Salvador sa Regal Films, for life!

Relasyon ni Janella Salvador sa Regal Films, for life!
Janella Salvador

IT WAS RAINING hard last Monday nang sumusugod ang bagyong si Maring sa Metro Manila.

ADVERTISING
 
Gabi pa lang ay may abiso na walang pasok ang mga estuyante sa buong Kamaynilaan dahil sa lakas ng hangin at ang malakas na buhos ng ulan.
 
Got a text message from Regal Films publicist Jun Nardo na rain or shine ay tuloy ang contract signing ni Janella Salvador sa Regal Films na gagawin sa Valencia Events Place noong maulang tanghali na ‘yun. Blessing daw ito.
 
Hindi na nagdalawang isip pa kesehodang may bagyo ang young actress na si Janella Salvador at ang kanyang manager na si Manny Valera na mag-renew ng contract ang aktres sa film outfit na Regal Films para sa kanyang latest four picture contract sa kompanya na palaging sumusuporta sa dalaga.
 
Sa kabila ng malakas na ulan at hanging dala noong Monday lunchtime ay walang nakapagpigil sa young actress na lusubin ang Regal Films office sa Quezon City para sa signing of her renewal of contract sa film outfit nina  Mother Lily Monteverde at ng anak niya na si Ms.Roselle Monteverde.
 
Relasyon ni Janella Salvador sa Regal Films, for life!
Janella Salvador contact signing with Regal Films (Manny Vlera, Rosell Monteverde, Janella Salvador and Mother Lily)

Yes, Janella inked a four movie contract s naturang film outfit at hindi pa kasama ang latest na pelikula ng dalaga with screen partner na si Elmo Magalona na “My Fairytail Love Story” na intended for the Metro Manila Film Festival 2017 na hopefully ay mapili at mapabilang sa last four films na hinihintay na maaprubahan ng MMFF 2017 Execom.

 
Sa short tsikahan namin with Janella last Monday, she told us na very thankful siya sa support ng Regal Films sa kanyang career niya.
 
“I don’t have an exclusive contract with Regal but I know, hindi ako pababayaan ni Mother, same as my contract with Star Cinema it’s non-exclusive” sabi ng dalaga.
 
Sabi nga ni Mother Lily, for life na si Janella (pertaining to her contract).
 
I’m sure, ang mga ElNella fans nila ni Elmo ang super happy at super excited dahil bukod sa #MFTLS ay masusundan pa ng marami pang project ang tambalan ng dalawa.
 
 

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING