Relasyon ni Enchong Dee sa model na si Samantha Lewis, nauwi rin sa wala

ADVERTISING

Relasyon ni Enchong Dee sa model na si Samantha Lewis, nauwi rin sa wala

Enchong Dee & Samantha Lewis
Enchong Dee & Samantha Lewis

Break na pala si Enchong Dee sa sinasabing “girlfriend” niyang model na si Samantha Lewis.

Yes, kawawa naman si Papa Enchong at for sure nagdurugo ang puso niya sa split-up nila ng sinasabing girlfriend niya, na hindi man lang nakilala ng showbiz kung sino si Samantaha Lewis.

Kung hindi ako nagkakamali, unang inirampa ng aktor ang sinasabing girlfriend niya almost two years ago sa isang Star Magic event.

After nu’n, wala na kaming nabalitaan sa kung ano mang kaganapan sa kanilang nagsisimulang “relasyon” noon.

ADVERTISING

Ni picture na magkasama sila at nagde-date, wala akong nasipat man lang sa mga social media.

Alam n’yo naman ang publiko na kung gaano katsimosa o katsismoso. Sila mismo na may camera ang mga mobile phones, daig pa ang mga tunay na paparazzi kung maka-iskup ng picture ng celebrities na kung sino ang ka-date or ‘di kaya’y anong pinaggagagawa ng mga ito na kabulastugan o ‘di kagandahang gawa na p’wedeng i-share sa social media.

Si Enchong at Sam, after their first public appearance ay hindi na nasundan.

As of this writing, wala pa kaming nakukuhang tunay na dahilan ng paghihiwalay ng dalawa except sa interview ni Kuya Boy sa kanyang “Tonight With Boy Abunda” show.

Hindi kaya ang photographer na si Andreo Esguerra ang reason ng split-up nina Enchong at Sam or si Andreo lang talaga ang sumalo sa dalaga para maging masaya ito after ng hiwalayan nila ng aktor?

Sa mga photo posting ni Andreo sa kanyang Instagram account, haping-happy ang dalawa sa kanilang mala-bohemian lifestyle and romance.

Kung sa bagay, kung waley ‘di naman talaga e, ‘di waley. Let them be free and be happy.

Si Enchong Dee naman, wala namang nagtatanong kung may girlfriend siya o wala, ‘di ba? Basta chill na lang, ‘wag na kasing ipilit pa.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING