Regine Velasquez, VIP Treatment sa Mulawin VS Ravena!

ADVERTISING

Regine Velasquez, VIP Treatment sa Mulawin VS Ravena!

Regine Velasquez, VIP Treatment sa Mulawin VS Ravena!
Regine Velasquez as Sandawa in Mulawin VS Ravena

VERY IMPORTANT PERSON (VIP) pala si Regine Velasquez sa pantaseryeng Mulawin vs Ravena.

Ganun pala ka-importante si Regine sa role niya bilang Sandawa sa bagong pantaseryeng pinagbibidahan ni Dennis Trillo, na napapanood gabi-gabi sa Kapuso network pagkatapos ng 24 Oras.


Mabuti na lang at tinanggap ni Regine ang role bilang isang immortal goddess at keeper of Mt. Apo.
 

 Kung hindi tinanggap ng singer ang naturang role ay mawawala ang naturang karakter niya as Sandawa dahil it was made ”only” for Regine ayon sa kuwento niya.

 

ADVERTISING

Sa katunayan bago nagsimula siya magtaping noon, na-excite siya sa role niya dahil kakaiba ito kumpara sa mga nilalabasan niya sa Kapuso Network.

 

May special powers kasi siya na ang sexy actress na si Lovi Poe plays her daughter Magindara na pwede maging isang sirena na pwede rin mag-transform into an eagle.

 

Kuwento ni Regine na kung dati daw mabilis matapos ang taping ng kanilang sitcom na Full House Tonight na nagtapos na last May 27 ay iba naman daw ang hirap at pagod sa trabaho niya for Mulawin vs Ravena.
 

“Nasanay na kasi si Nate na maaga akong umuuwi kasi mabilis lang ang trabaho ko ,” panimula niya sa tsikahan namin.

 

“Gustuhin ko man isama si Nate sa location taping namin, masyado kasing malayo at baka mapagod lang ‘yung bagets. Hindi ko rin siya puwedeng isama sa studio shoot namin kasi may mga lupa-lupa doon. Eh, may hika si Nate. Baka atakihin kapag malanghap niya ‘yung dust sa studio. Kaya bahay lang muna siya at hinihintay niya ako…

 

“Eh, minsan late na ako makauwi at tulog na siya. Nami-miss ko lang siya kapag nasa work ako. Kaya any chance I have na makasama siya kapag libre ako, tinutodo ko kasi  sa-sad din daw siya kapag wala kami ni Ogie.”

 

Sa ngayon, ini-enjoy ni Regine ang trabaho niya as “The Queen”.

 

Pagbabalita niya, this year ay magkakaroon siya ng concert na dapat abangan ng kanyang mga fans and supporters.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING