Regine Velasquez, tinanggal sa cast ng teleserye

Regine-VelasquezNAUDLOT ANG pagsali ni Regine Velasquez sa cast ng Let The Love Begin na launching soap nina Ruru Madrid at Gabbi Garcia.

A week ago, nagwala ang Reginians and bashed GMA-7 for giving their idol a downgrading of sort nang mabalitaan nilang support lang ito sa bagong tambalan nina Ruru at Gabbi. Talagang pinag-trending nila ang #DearGMARespectRegineV.

Ang collective feeling kasi ng fans ng Songbird ay hindi naman dapat mag-support ang idol nila sa isang bagong love team dahil carry naman nito na magbida sa sariling soap opera.

Mukhang nauntog ang GMA-7 kaya naman hindi na isinama sa cast ng bago nilang teleserye ang Songbird.

Mabuti naman.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

Previous articleDJ Mo Twister, binuweltahan ang TPO ni Rhian Ramos
Next articleDawn Zulueta, priority ang pagganap bilang asawa ni Cong. Anton Lagdameo at ina ng dalawang anak

No posts to display