Regine Velasquez, tikom ang bibig sa planong pag-alis sa SOP – Gorgy’s Park

Regine Velasquez, tikom ang bibig sa planong pag-alis sa SOP – Gorgy’s ParkNAGSIMULA NANG MAG-TAPING kahapon si Regine Velasquez sa Darna bilang Elektra, ang isa sa pinakamalakas na makakalaban ni Darna.

Hindi nga makapaniwala si Marian Rivera na tatanggapin ni Regine ang magkontrabida pero gustung-gusto pala ni Songbird ang role na ‘yun.

Siya mismo ang nagprisinta na gawin ang role na ‘yun dahil gusto naman daw niyang subukang maging kontrabida.

Nagpuntahan ang ilang reporters sa taping ng Darna kahapon para hingan ng sagot si Regine tungkol sa isyung aalis na raw ito ng SOP, pero tumanggi ang singer/ actress.

Ayaw raw muna niyang pag-usapan kung meron ngang problema sa SOP. Kahit kari-reformat lang ng SOP, mukhang mababago na naman ito dahil hindi pa rin nito natalbugan ang ASAP sa rating.

Usap-usapang aalis na si Regine sa SOP at pati na rin si Ogie Alcasid dahil sa hindi na raw nito nakakasundo ang ilang staff sa variety show na ‘yun. Pero wala pa ring nagsalita sa staff ng naturang show at kahit si Regine, tikom ang bibig.

Napag-alamang miniting na sila ni Ma’am Wilma Galvante nu’ng nakaraang Linggo pero hindi pa namin alam kung ano ang pinagmitingan at kung ano na naman ang mga babaguhin.

Abangan na lang natin kung ano na naman ang mababago sa SOP at kung kaya na ba nitong talunin ang ASAP.

AMINADO SI DENNIS Trillo na malamig ang Pasko niya ngayon dahil loveless pa rin ito, pero okay lang daw dahil nandiyan naman ang pamilya niya at makakasama nito ang anak niyang si Calix.

Natutuwa si Dennis dahil okay naman sila ni Carlene Aguilar at ipahihiram daw sa kanya si Calix sa darating na Pasko.

Tanggap na rin ni Dennis na mukhang malabo pa siyang makaporma kay Heart Evangelista.

Deretsahan namang sinabi ni Heart na ang lalaking pinakamalapit sa kanya ngayon ay ang first boyfriend niyang pulitiko na taga-Isabela.

‘Yun daw ang ka-date niya madalas pero hindi naman daw nakipagbalikan. Naging close lang daw sila ngayon pero alam naman daw ng lalaking ito kung kailan na handa si Heart na makipagrelasyon uli.

Pero mukhang hindi pa naman sumusuko si Dennis at willing daw siyang maghintay kung kailan ready si Heart at maaaring i-entertain ang panliligaw niya.

Samantala, itinatanggi naman ni Dennis ang isa pang intrigang may ka-date itong non-showbiz girl.

Wala raw siyang panahong makipag-date sa iba dahil ang huling labas lang daw niya ay nu’ng kasama pa nito si Heart.

May naririnig kaming nali-link nga si Dennis sa isang non-showbiz girl at kilala nga ito ng ilang taga-showbiz, pero todo-deny ang aktor dahil wala raw muna siyang panahong makipag-date sa dami ng ginagawa niya.

Mukhang gusto nga niyang kay Heart muna siya mag-focus.

By Gorgy’s Park