Regine Velasquez, sinusubukan pero ‘di na umaasang mabubuntis ulit

ADVERTISING

Regine Velasquez, sinusubukan pero ‘di na umaasang mabubuntis ulit

Regine-VelasquezHINDI NA umaasa si Regine Velasquez na masusundan ang panganay nila ni Ogie Alcasid na si Nate.

ADVERTISING

“We’re trying pero hindi ko ine-expect, hindi ko kinakarir,” reaksyon agad ni Regie.

“Kasi, like lagi kong sinasabi, if God wants to grant us another child, we’ll be so happy. Kung hindi naman, I’m okay. Hindi ko po siya kinakarir, kasi mas mahirap ‘yun, eh. ‘Yung karirin mo tapos ayaw, you’d be more frustrated,” patuloy niyang pahayag.

Regine is already on her 40s at malaking factor ang edad para mabuntis.

ADVERTISING

“If God wants us to have another child, we’ll be so happy. Kung hindi, my God, Nate is more than enough,” sey pa niya.

Kinonsider ba nila ni Ogie noon na dumaan sa medical procedures para magkaanak?

“Actually, nu’ng nag-asawa kami, nu’ng nagpakasal kami, we were considering it then, kaya lang, dumating naman na si Nate.

“Talagang Nate is a gift from God, na talagang hindi na ako dumaan doon (medical procedures). Thank God, kasi that’s a difficult procedure, eh, lalo na sa babae. So ngayon, ‘yung asawa ko… parang hindi na rin kami… we’ll just keep trying… happy lang, ang saya,” sey pa ng Asia’s Songbird na may series of concet sa Solaire titled Regine At The Theater sa November.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING