Regine Velasquez, nagmistulang concert ang mall show

ADVERTISING

Regine Velasquez, nagmistulang concert ang mall show

Regine-VelasquezALIW NA aliw ang mga bading na nag-cover sa mall show ni Regine Velasquez sa Robinson’s Magnolia nu’ng nakaraang Linggo.

ADVERTISING

First mall show ni Regine ‘yun para sa PLDT’s Home The Regine Series.

Du’n pa lang daw ang simula at susundan ito ng iba pang mall shows sa June 20 sa Robinson’s Manila, July 4 sa Market Market, July 11 sa Glorietta, at sa Trinoma naman sa July 18.

Nag-enjoy silang lahat dahil parang concert na raw talaga ang mall show niyang ‘yun. Labindalawa ang kinanta niya with matching banda kaya nakalibre talaga sila ng bonggang solo concert ni Regine.

ADVERTISING

Ayon kay Regine, na-miss na raw talaga niyang mag-concert pero kung mag-solo siya ngayon, medyo nakaPapagod din daw. Siyempre iba na raw ngayon dahil medyo matanda na siya kaya hindi na raw kagaya ng dati na bonggang-bongga pa siya sa ilang oras na performance sa stage.

Pero type pa rin daw sana niyang magkakanta. Kaya todo sing talaga siya sa mall show na ‘yun.

Napag-usapan na rin doon ang pagbubuntis dahil isa siya sa natuwa sa pagbubuntis ulit ni Judy Ann Santos.

Matagal din namang naghintay sina Juday at Ryan Agoncillo na masundan si Lucho, at dininig na nga ng Diyos ang panalangin nila na sundan ito.

Sabi ni Regine, masaya siya para kay Juday dahil dapat naman daw talaga na masundan si Lucho. Bata pa naman daw sina Juday at Ryan kaya dapat na magkaroon pa raw sila ng maraming anak.

Sa kanila ni Ogie Alcasid, ayaw na raw niyang umasa pang masundan si Baby Nate nila dahil matanda na raw siya.

Sabi nga niya, ang pagbuntis niya noon kay Nate ay sobrang malaking milagro na raw sa kanila dahil hindi naman daw siya kabataan nu’n.

Kaya okay na okay na raw sila kay Nate ngayon. Kung gusto pa raw sundan ng isa pa, sobrang thank you raw.

Hindi raw siya ‘yung tipong dadaan sa mga artificial insemination o ano mang proseso para mabuntis lang. Happy na raw talaga sila kay Nate at nandiyan naman daw ang mga kapatid ni Nate na sina Sarah at Leila sa Australia na itinuturing na rin ni Regine na mga anak niya. Kaya happy family na sila!

Tsika pa pala ni Regine, may inaayos na raw ngayon na drama series para sa kanya. Malapit na raw nilang i-announce ito.

Pero ‘yung napabalita noon na talk show na dapat na pagsamahan nila nina Ai-Ai delas Alas at Marian Rivera, hindi na raw siya kasali du’n.

Hindi lang siya sure kung tuloy pa ito, pero ang nabalitaan ko naman tuloy pa rin ito na ipu-produce ng APT Entertainment.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING