Regine Velasquez, inaming ‘di perfect ang marriage nila ni Ogie Alcasid

ADVERTISING

Regine Velasquez, inaming ‘di perfect ang marriage nila ni Ogie Alcasid

Ogie-Alcasid-Regine-VelasquezTINANONG SI Regine Velasquez-Alcasid sa ginanap na presscon ng Bet ng Bayan kung humingi ba siya ng permiso sa husband na si Ogie Alcasid nang tanggaping mag-host ng reality show sa GMA 7 na magsisimula sa Linggo?

ADVERTISING

Aware naman daw si Ogie kaya hindi na kailangang sabihin pa raw at aware din naman daw ang husband niya na sila ni Nate ang priority ng Songbird.

Pagdating daw kasi sa career nila, kanya-kanya sila ng diskarte. Magkaiba raw naman ang manager nila, pero nandoon pa rin na pinag-uusapan nila kung may mga offer sa kanila.

Inamin din ni Regine na hindi naman daw perfect ang marriage nila, pero they are working in their relationship and so far she is having a wonderful time with her husband and son Nate who is turning three years old in November.

ADVERTISING

Buong pagmamalaki ring sinabi ni Regine sa mga entertainment press na kahit na sangkatutak na guwapo ang nakakaharap niya ay iisa lang daw ang guwapo para sa kanya, ang husband na si Ogie da Pogi.

Nagpasalamat si Regine sa GMA dahil binigyan siya ng show na marami siyang free time para makasama ang pamilya, lalo na ang anak nila ni Ogie na si Nate na nahihirapan na raw siyang iwanang mag-isa.

Sa December naman ay may Christmas special siyang gagawin sa GMA News & Current Affairs kung saan ay ipamamalas niya muli ang pag-arte.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING