Regine Velasquez, exclusive sa Siyete

ADVERTISING

Regine Velasquez, exclusive sa Siyete

Regine-VelasquezKAHAPON PA lang daw pumirma si Regine Velasquez ng exclusive contract sa GMA-7.

Alam ko matagal na siyang nakapirma, pero hindi lang siya nabigyan ng araw ng contract-signing na i-cover ng media dahil abala naman kasi Regine.

Ang isa pa sa pagkaantala ng pirmahan ay ang kalagayan ngayon ni Mang Gerry na nasa hospital pa rin daw.

Iniiwasan pa rin ni Regine na pag-usapan ang tungkol sa tatay niya dahil nagiging emotional daw ito.

ADVERTISING

Nu’ng tinanggap nga raw niya ang award niya sa Star Awards for Music, parang wala raw ito sa sarili at parang bad mood siya dahil nga nag-i-emote pa rin ito sa kalagayan ng kanyang ama.

Ayaw magbigay ni Regine ng status ngayon ng kanyang ama, pero patuloy pa rin itong humihingi ng dasal na malagpasan at gumaling ang kanyang ama. Sana nga malagpasan ito Mang Gerry.

Patuloy ring nagpapasalamat si Regine sa lahat na mga dumalaw sa kanila sa hospital at patuloy na nagdarasal para sa agarang pagaling ng kanyang ama.

 

KAHAPON NA ba umalis pabalik ng London si Megan Young? Alam ko kahapon ang schedule niya paalis, pero nu’ng pinuntahan ng Startalk sa airport, wala naman daw naka-schedule na flight si Megan pabalik, ayon sa Cathay Pacific. Pero, in fairness naman sa young actress, lalo siyang bumait at naging mapagpakumbaba kahit bantay-sarado ito ng mga taga-Miss World.

Dati kasi, si Megan lahat ‘yan na nakatrabaho niya kahit matagal na, binabati niya ito. Lahat nilalapitan niya at binebeso. Talagang mabait siya at palabati.

Pero ngayon, sabi sa akin ng mga Startalk staff naming nag-cover ng homecoming ni Megan, hindi na raw siya puwedeng magbeso-beso o halikan ang lahat ng kilala niya.

Hanggang pahawak-hawak na lang daw ng kamay, kasi binabantayan ng mga taga-Miss World ang mga kilos niya. Dapat talaga queenly ang mga kilos na mala-Miss World talaga ang dating.

Naikot naman ni Megan ang lahat ng gusto niyang puntahan at muli niyang nakasalamuha ang mga kamag-anak at dating kaibigan na matagal na niyang hindi nakikita.

Matagal-tagal din kasing mawawala siya dahil iikutin nito ang buong mundo para gampanan ang responsibilidad bilang Miss World.

Nagkaroon siya ng courtesy call sa Malacañang na halos 30 minutes daw siyang pinaghintay ng presidente. Siyempre, marami naman dapat harapin at asikasuhin si PNoy.

Pero kahit papa’no, napagaan ni Megan ang mga bigat na naramdaman ng mga kababayan niya sa dami ng mga pinagdaanan ng ating bansa.

Dahil diyan, iri-replay raw ang mga programa ni Megan, gaya ng Hiyas sa ABS-CBN 2 na alam ko, hindi naman siya bida du’n.

Pati nga raw ang Misibis Bay sa TV5 ay iri-replay na rin pero kontrabida doon si Megan. Dati si Ritz Azul ang binebenta sa drama series na ‘yan, ngayon si Megan na. Bongga, ‘di ba? Ang bilis ng turn of events.

Ano naman kaya ang iri-replay ng GMA-7 na kung saan doon naman talaga nanggaling si Megan? Ang Startstruck na sinalihan niya? Kaloka! Naku! ‘Di ba dapat ibalik na ang Starstruck dahil nakapag-produce talaga ang reality talent search na ito ng mga box-office star at kauna-unahang Miss World ng bansa?

‘Yun na! Sa Starstruck ang ending ng tsika ko sa inyo!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING