Regine Velasquez, dedma na lang sa isyu nila ni Ogie Alcasid kay Kris Aquino

Regine Velasquez, dedma na lang sa isyu nila ni Ogie Alcasid kay Kris Aquino

Ogie-Alcasid-Regine-VelasquezPARANG WALA namang kamalay-malay si Regine Velasquez sa mga nangyayari tungkol daw sa pag-unfollow sa kanila ni Kris Aquino na bandang huli ay nag-follow uli ito sa kanila at nag-sorry raw.

Nang tinanong ‘yan kay Regine sa presscon ng Ultimate concert, ayaw na raw niyang magsalita tungkol diyan dahil tapos na ‘yan. Pero parang irita naman si Regine kaya ayaw na niyang magsalita pa.

Ang sabi ni Regine, nagkausap na raw sina Ogie Alcasid at Kris, at nag-sorry na rin naman ang huli kaya okay na raw ‘yun.

Wala naman daw nabago sa friendship nila.

Mas naka-focus na lang daw siya ngayon sa Ultimate concert nila sa February 13 at 14 na gaganapin sa SM-MOA Arena.

Nakatsikahan din namin si Ogie sa presscon ng concert niyang MuSIKATin na gaganapin sa Philippine Arena sa February 20, sabi niya okay naman daw sila ni Kris lalo na kay PNoy.

Binati nga raw niya si PNoy nu’ng birthday nito at sumagot naman daw sa kanya.

Ang concern din ni Ogie ngayon ay ang concert niya sa Philippine Arena na binanggit nga niya sa presscon nito na ang kikitain niya sa concert nito ay ibibigay raw niya sa pamilya ng 44 police commandos natin na itinuring na natin ngayon na heroes.

Balak din niyang imbitahin ang pamilya ng ating 44 Brave Heroes na manood ng concert nila dahil meron silang pinaghahandaang magandang number para sa ating mga bagong bayani.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis