Regine Velasquez crowns Angeline Quinto as the next Superstar

Regine Velasquez crowns Angeline Quinto as the next Superstar

Regine Velasquez crowns Angeline Quinto as the next SuperstarNAKABIBILIB ANG KAGANDAHANG-LOOB ni Regine Velasquez bilang pagsuporta sa mga mang-aawit na alam niyang talagang mayroong potensiyal para sumikat. Noon ay mayroon siyang laging nakakalabang kontesera sa singing contest, na lagi rin naman niyang tinatalo. Pero ang singer na iyon ay talagang magaling din. Pero, kanya-kanyang panahon nga lang ‘yan ng pagsikat. Napakalayo na ng narating ni Regine sa larangan ng pag-awit, dahil bukod sa idolo siya ng mga baguhang singers ay siya rin ang paboritong gayahin ng mga impersonators sa comedy bar o gaybar.

Nang sobra-sobra na ang tagumpay ni Regine, tinulungan niyang makabalik sa pagkanta ang dating kontesera na laging talunan sa kanya. Sa GMA-7 mu-ling napanood ang singer na iyon, pero kahit magaling siya ay parang hirap na rin siyang sumikat, kaya nand’yan lang siya. Nitong huli naman, muling ipinakita ni Regine ang kanyang pagsuporta sa baguhang singer na si Angeline Quinto sa matagumpay nitong first solo concert na ginanap kamakailan sa   Skydome.  Buong  ning-ning na ipinagsigawan ng Asia’s Songbird, na si Angeline ang susunod na Superstar.

Sa totoo lang din, hindi nagkakamali si Regine sa paraan na parang kung may korona siya bilang singer, ipinuputong na niya ang korona ng kasikatan kay Angeline. Kasi nga, napakahusay rin ni Angeline, na gaya niya ay bonggang-bongga rin kung bumirit ang boses. Pati nga istilo ng pagtawa ni Regine at mga pagbibiro ng wife ni Ogie Alcasid, gayang-gaya rin ni Angeline. Kung ang kasikatan ay ipinapasa na nga ni Regine kay Angeline, baka nga tanggap na niya, na sobra-sobrang suwerte na ang dumating sa kanyang singing career, kaya kaila-ngang ibahagi na niya iyon sa iba.

 

BLIND  ITEM: BAIT-BAITAN lang daw ang ipinapakitang ugali ng sikat na dramatic actress, na itago natin sa screen name na Barbie Castillo. Pero sa totoo lang, nagbago na siya, lalo na nang gumanda ang kanyang movie career, at magkaroon siya ng husband kung saan mayroon na sila ngayong dalawang anak. Alam kasi ni Barbie na kailangan niyang magbago, dahil bukod sa hindi na siya bagets, mayroon siyang image na dapat protektahan.

Pero noong bagets pa lang daw si Barbie, nagkaroon din siya ng itinatagong  ugali ng  pagi-ging pasaway. Sa ilang ulit niyang pakikipagrelasyon sa mga sikat na aktor ng showbiz, lagi iyong  nagiging kontrobersiyal. Kasi nga, todo-bigay si Barbie kapag siya ay na-in love. Nu’ng nagdadalaga pa lang si Barbie, kasama niya lagi ang kanyang stage mother, kaya alam na alam ng kanyang mommy ang kanyang pagiging pasaway.

Nang gawin ni Barbie ang kanyang first movie, nakapareha niya ang bagets din noong aktor na si Marco Farinas.  Nahulog ang loob ni Barbie kay Marco, dahil totoong tao ang binata, dahil lumaki siya sa hirap. Sos-yal ang image ng family nina Barbie, kaya against ang mommy niya na makarelasyon ng kanyang dalaga si Marco. Pero ang hindi alam ni mommy ay meron na palang kakaibang nangyayari sa dalawang bagets. “Isang gabi, sa beach ang shooting. Pagkatapos mag-dinner ay nawala si Marco, kaya hinahanap namin siya. Kasama ko ‘yung line producer, hinanap namin sa paligid si Marco. Eh, nawawala rin si Barbie, kaya kinabahan na kaming lahat. Naku, nang masilip namin sa pinagkukublihan ang dalawa, nakita namin si Barbie, na hawak-hawak ang matigas na matigas at malaking nota ni Marco! Nag-uusap sila, hindi nagse-sex. Pero, enjoy na enjoy si Barbie na pinaglalaruan ang naghuhumindig na harapan ng kanyang leading man. Alam iyan ng mommy ni Barbie, pero dahil nakakahiya ay hindi na lang kami nag-ingay tungkol sa aming nakita,” kuwento ng cameraman mula sa kumpanyang gumawa ng first movie ng dramatic actress.

 

PERSONAL: HAPPY BIRTHDAY sa dating Presidente ng Philippine Movie Press Club na si Julie Bonifacio. Si Julie ‘yung tipo ng isa sa mga kapatid namin sa PMPC na nakakasama at nakakausap ko dati, kaya na-appreciate ko na rin ang pagiging Julie Bonifacio niya. Ang dami-daming magagandang nangyari sa buhay at career ni Julie nitong huli, na nasa ABS-CBN na nga siya. Almost one year ko na yatang hindi nakakausap ang aming Ate na hindi na halos nagpapahinga, dahil sobrang busy.

Happy birthday, Super Julie!

ChorBA!
by Melchor Bautista