Regine Velasquez, aminadong ‘di kumportableng umarte

Regine Velasquez, aminadong ‘di kumportableng umarte

Regine-VelasquezINAMIN NI Regine Velasquez na hindi raw siya talaga kumportable na umaarte sa pelikula at telebisyon.

“Personally, it’s my weakness, feeling ko. Coz I really never considered myself as an actor. So, laging malaking effort for me to go sa set and be an actor. It’s very hard for me. So, that’s why, I only choose projects that are in my comfort zone,” say ng binansagang Songbird.

Kung may project raw na talagang feeling niya ay kumportable siya, saka lang daw niya ito tatanggapin.

Anyway, sa pagpasok ng 2015, wala pa naman daw siyang naka-line-up na project sa GMA 7. Tamang-tama naman dahil mapaghahandaan niya ang Valentine concert nila nina Martin Nievera, Gary Valenciano at Lani Misalucha.

Tungkol naman sa balitang lilipat na raw siya ng TV network, natawa si Regine at kaagad na sinabi na wala naman siyang problema sa Kapuso Network. Okey naman daw sila ng management. If ever na lilipat daw siya, ‘yun daw ay mangyayari kung ayaw na talaga siya ng GMA.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo