Regine Tolentino, na-trauma kay Lander Vera-Perez

ADVERTISING

Regine Tolentino, na-trauma kay Lander Vera-Perez

Regine Tolentino, na-trauma kay Lander Vera-Perez
Regine Tolentino

MALAPIT nang ma-annulled ang kasal ni Regine Tolentino sa ex-husband niyang si Lander Vera Perez. Ayon sa kuwento ni Regine, lalabas na ang resulta ng annulment  on June 3.

Dahil sa nangyari sa kanila ng ex-husband, ayaw na ni Regine na magkaroon ng boyfriend from showbiz.

 “Ayoko na. Ayoko na ng showbiz, hello! Now way! Magulo. Di ba?

“Ang gusto ko businessman na lang or basta may sariling career. Pero okey sa akin ang Pinoy. Basta non-showbiz talaga, utang na loob,”  pahayag niya.

ADVERTISING

Ano ba ang naging dilemma niya sa pagkakaroon ng showbiz husband?

“Maraming temptation. It’s a pride thing. Hindi regular ang trabaho. Tapos kahit papaano, nasa industry din ako, so somewhat, parang kompetensya – sa rate at sa leveling and stuff like that —  you know what I mean? So, hindi na talaga. Mas okey na akong single kesa showbiz,” paliwanag niya.

Na-trauma ba siya sa nangyari?

“Yes. Super,” madiin niyang sagot.  

“Ayoko na talaga ng taga-showbiz. I learned my lesson the hard way for 18 years and then now, I’m ready, but no rush,” dagdag pa niya.

Samantala, may concert si Regine sa May 26 titled Ignite. Gaganapin ito sa SM Skydome.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING