Regine Tolentino, bagay na bagay sa bagong dance fitness show

ADVERTISING

Regine Tolentino, bagay na bagay sa bagong dance fitness show

Regine Tolentino
Regine Tolentino

Swak na swak si Regine Tolentino sa kanyang bagong TV show titled “Go Get Fit” na napanonood na ngayon sa Viva Channel at nag-premiere na noong July 19, 21 at 24, 5:30 pm. Ang naturng TV show ay mayroong replay araw-araw, sa ganap na 7:30 am.

Aminado ang TV host/akters na tinaguriang Zumba Queen na sobrang excited siya sa bago niyang show. Ang “Go Get Fit” ay isang daily dance fitness and health show. Dito’y matutunghayan ang easy and fun to do dance fitness exercises na maaaring magawa ng manonood sa kanilang tahanan o opisina kasama ang host nito na si Regine and her team of licensed instructors.

Ang “Go Get Fit” ay nagbibigay rin ng health and wellness tips upang maging sexy at fit sa anumang edad, anumang oras, at saan mang lugar.

Si Regine ay isang multi-talented artist, isa siyang host, aktres, dancer, fashion designer, licensed AFAA & Zumba Fitness Instructor, product endorser, at isa ring entrepreneur na nagmamay-ari ng Regine’s Boutique & RT Studios.

ADVERTISING

Paano mo ide-describe ang iyong bagong show?

Sagot niya, “Go Get Fit is a dance fitness and health show. Maraming matututunan ang viewers na iba’t ibang ways to stay fit through dance and easy na home exercises!

“Mag-e-enjoy sila dahil iba’t ibang klaseng sayaw ang itinuturo namin mula sa iba’t ibang magagandang locations. Inspiration ito para sa mga gustong maging fit, pero walang time o budget para magpunta sa gym.”

Sinabi rin ni Regine Tolentino ang mga makakasama sa naturang show.

“Kasama ko rito ang mga licensed dance and group fitness instructors, fitness professionals, beauty queens, fitness buffs and celebrities who share their tips on staying fit, healthy and sexy!”

Ipinahayag din ni Regine na sobra siyang excited sa bagong show niya dahil sobrang malapit daw ito sa kanyang puso.

“I was very excited because this is a dream project for me, everything about this show represents me and my passion for life.

“According to management, by popular demand and from the good ratings of the previous Regine Tolentino Dance videos produced by Viva Video, played on Viva TV such as “Sensual Dancing, Dance with Regine,” “Exotic Bellydancing”, and “Dance Latina”, there was a request for a fitness show. I was asked by Viva management to host the show and lead the exercises.”

Matatandaang last month ay inamin ni Regine na isang taon na silang hiwalay ni Lander Vera Perez. Kaya ngayon, bukod sa pagiging abala sa TV at pelikula, nakatutok siya sa kanyang mga anak na sina Reigne at Reigen Perez at sa kanyang mga business.

Nonie’s Niche
by Nonie V. Nicasio

ADVERTISING