For Reference Only: Ryza Cenon, nanood ng porn para sa ‘sariling sikap’ scene sa ‘Ang Manananggal sa 23B’!

ADVERTISING

For Reference Only: Ryza Cenon, nanood ng porn para sa 'sariling sikap' scene sa 'Ang Manananggal sa 23B'!

For Reference Only: Ryza Cenon, nanood ng porn para sa 'sariling sikap' scene sa 'Ang Manananggal sa 23B'!
Ryza Cenon (photo grabbed from @imryzacenon IG)

KONTROBERSYAL ang ilang eksena ni Ryza Cenon sa pelikula na Ang Manananggal sa Unit23B ng Idea First Company na idinirek ni Prime Cruz particularly ang kanyang masturbation scene.

Ikina-shock ito ng marami  kaya marami  rin naging curious din kung paano siya napapayag na gawin ang naturang eksena sa pelikula.

“Wala naman po akong limitation (pag dating sa role). Basta ang sinabi ko lang kay Direk Prime (Cruz), ‘Basta Direk, alagaan mo lang ako.’ Okey na ako do’n,” pahayag ng aktres.

Patuloy pa niya, “Kasi siya naman ang gagawa no’n, eh.  So, nagtiwala lang po ako kay Direk kaya din lumakas yung loob ko saka sinabi niya sa akin na aalagaan niya ako. “Kasi sa set, puro babae po yung nando’n, kahit si Direk nasa labas. Naka-mike lang po, naririnig ko lang yung boses niya.”

ADVERTISING

Paano nga ba niya pinaghandaan ang naturang controversial scene?

For Reference Only: Ryza Cenon, nanood ng porn para sa 'sariling sikap' scene sa 'Ang Manananggal sa 23B'!
Ryza Cenon in ‘Ang Manananggal sa Unit 23B’

“Biniro ko po si Direk before gawin yung masturbation scene. Sabi ko, ‘Direk, sige ita-try ko pong mag-masturbate mamayang gabi para maramdaman ko kung ano yung feeling kasi hindi ko alam, eh,” sabay halakhak ni Ryza.

“Pero joke lang yon siyempre,” bawi niya. “Pero nanood po ako ng porn para makita ko yung mga (sexual) position, yung mga reaction, kasi ang hirap nung mga reaction, eh. Pero yon, nagawa ko naman po,” kuwento pa ni Ryza.

Palabas ang Ang Manananggal sa Unit23B sa Pista Ng Pelikulang Pilipino na magsisimula sa August 16 hangang 22.

 

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING