RECIPE FOR LOVE: Chef Christian Bables, masarap magluto ng paella

ADVERTISING

RECIPE FOR LOVE: Chef Christian Bables, masarap magluto ng paella

RECIPE FOR LOVE: Chef Christian Bables, masarap magluto ng paella
Christian Bables and Cora Waddell

EFFORT TALAGA ang ginawa ni Christian Bables para matutu sa mga eksena niya sa pelikulang Recipe for Love ni Direk Joey Javier Reyes dahil nagtiyaga siya magaral from international chef Reggie Aspiras kung ano ang tamang galaw ng pagiging isang tunay na chef.

ADVERTISING

2 times a week siya nag-undergo ng training for almost two months mula sa pamosong chef para matutunan niya kung papaano humawak ng chef’s knife, ang paghiwa ng sibuyas at paghalo ng niluluto para makuha ang tamang nuances ng isang professional cook-chef sa pelikula na produced ng Regal Entertainment.

Sa November 21, this coming Wednesday na ang showing ng pelikula kung saan Christian plays a professional chef sa isang hig-end restaurant at ang kapareha naman ng aktoray si Cora Wadell who plays a food blogger looking for the best recipe.

Sa katunayan, sa movie (assisted by a real chef); nagluto ng paella si Christian, ayon sa impormasyon na nakuha namin mula kay Direk Joey.

ADVERTISING

“After na maluto, kinain namin sa set. Masarap yong paella,” pagse-share ni Direk sa impormasyon.

Sa pelikula, makakasama ng dalawang bida sina Enrico Cuenca (as Cora’s ex-boyfriend), Sophie Albert and Myrtle Sarrosa.

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING