Rebelasyon ng totoong character ni Ara Mina pinataas ang rating ng ‘Araw Gabi’

ADVERTISING

Rebelasyon ng totoong character ni Ara Mina pinataas ang rating ng ‘Araw Gabi’

Rebelasyon ng totoong character ni Ara Mina pinataas ang rating ng ‘Araw Gabi’
Ara Mina

MAY itinatagong lihim pala ang character ni Ara Mina bilang si Amanda Rodriguez sa afternoon series ng ABS-CBN na Araw Gabi. From being Amanda ay na-reveal na siya pala si Harriet Alegre na ina ng karakter ng bidang si Barbie Imperial.

ADVERTISING

Kahit halos isang dekada ring namahinga sa pag-arte, halata namang hindi kinalawang ang galing ni Ara bilang aktres. Bumuhos sa internet ang papuri sa kanya ng netizens particular sa episode nang malaman niya ang tunay na katauhan.

“Nagulat nga ako, ang daming nag-post at nag-congratulate  sa akin sa social media. Napanood daw nila yung eksena at nahawa sila sa pag-iyak ko,” kuwento ng aktres sa  amin.

Post ni @sirbossnatics09 sa IG: “Hads down to this ate girl named ARA MINA @therealaramina for nailing this part!!! No lines but u can feelher presence and those tears and her facial expression. #DekalibrengArtista #Petmalu”

ADVERTISING

@forever_sila: “Galing mo talaga tita Amanda kahit wala ka linyang binitiwan pero naiyak ka…  kaya napabilib mo ako talaga sa galing mo @therealaramina. Kaya humanda ka celistina.”

@fatima_krunger25: “@therealaramina this is your episode tita Amanda. Wala pong kupas ang galing ninyo sa pag-arte. Congratulations po! Superb acting. #ArawGabiFreedom”

@simply_helenjoy: “Grabeee… yungkait walang sasabihin, sa mukha mo pa lang makikita lahat ng emosyon na gustong iparating. Hindi ko na alam ilan beses ko nireplay yung scene nato ninyo ni lucas… goodjob madam ara mina. Ikaw ang isa sa pinakainaabangan ko sa Araw Gabi.”

Ang naturang episode din ni Ara  noong (Aug. 10) sa Araw Gabi ang maituturing na highest-rating ng series mula nung umere ito sa TV. Nakakuha ang Araw Gabi ng 17% na rating laban sa 13% ng kalaban nitong programa.

“Nagpapasalamat talaga ako sa suporta nila sa programa namin at sa pag-appreciate nila sa efforts ko. Ang tagal ko ring hindi umarte at nagdrama… kaya ko pa pala,” pabiro niyang pahayag.

Kasama rin sa Araw Gabi sina JM de Guzman, Vina Morales, Rita Avila, RK Bagatsing, Jane Oineza at marami pang iba.

 

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING