REAL TALK: It’s Showtime, sablay kung wala si Vice Ganda!

ADVERTISING

REAL TALK: It's Showtime, sablay kung wala si Vice Ganda!

REAL TALK: It's Showtime, sablay kung wala si Vice Ganda!
Vice Ganda

NOONG LUNES, July 24 (araw ng SONA) ay tumutok si Vice Ganda sa  pagre-report ni Presidente Duterte sa sambayan ng kanyang mga nagawa, mga magagawa (na para sa akin ay waley naman) na kung follower ka ng unkabogable box-office superstar ay alam mo nasa side siya ng president. Kamping Duterte si VG na noon pa man during the campaign season ay ipinahayag niya ang suporta sa president.

 

May sakit si Vice noong Lunes. Over fatigue pero nang mahimasmasan yesterday (Tuesday), nag-shooting siya with Daniel Padilla ng kanilang Metro Manila Film Festival 2017 entry na “The Revengers” with Pia Wurtzbach mula sa direksyon ni Bb. Joyce Bernal.
 
D’yan lang malapit sa ABS-CBN ang location nila. “Hindi siya malayo. Malapit  lang. Bukas, Thursday ay may shooting siya,” kuwento ng source namin.
 
Naka-ilang shooting days na rin si VG for the movie. Kung walang changes ay every Tuesday, Thursday and Friday ang schedule niya na kung keri naman ay nagsu-shooting na rin siya on other days after ng noontime show niya na It’s Showtime.
 
Puna ko lang, kapag wala si Vice or absent sa noontime show, tila lumalaylay ang palabas.
 
May comment nga ng kaibigang Elmer Reyes na isang manunulat, pansin niya na waley ganap sa noontime show kapag absent si VG.
 
Sa kanyang Facebook account, sinulat ng kaibigan Elmer: “Anubayen…walang wala ang Iss Q and A pag waley si Vice…Isang katotohanan and it’s safe to say na It’s Showtime is Vice Ganda and Vice Ganda is It’s Showtime.”
 
Agree or disagree?
 
Alam nýo na kung ano ang isasagot ko.
 
Sa mga supporters ni Vice, nasa Ansan (Korea) on August 13 for his concert “Pusuan Mo si Vice Ganda”.
 
 

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING