Real-life couple McCoy de Leon and Elisse Joson magtatambal sa pelikulang ‘Habang Buhay’

MISS MO na ba ang tambalang McLisse nina McCoy De Leon at Elisse Joson sa big screen? The wait is over dahil nalalapit na ang paglabas ng kanilang reunion movie entitled ‘Habang Buhay‘ na mapapanood sa Vivamax ngayong Abril.

Real-life couple McCoy de Leon and Elisse Joson magtatambal sa pelikulang 'Habang Buhay'
McCoy de Leon and Elisse Joson

Huling napanood ang dalawa sa hugot drama film na ‘Sakaling Maging Tayo’ more than three years ago. Noong panahon na ‘yun ay break na sina McCoy at Elisse in real life kaya ramdam mo ang ‘tensyon’ sa pagitan nila habang pinopromote nila ang kanilang launching movie as a tandem, na noong panahon din na iyon ay binuwag ng kanilang management.

This time ay proud parents of a lovely Baby ang McLisse kaya naman trailer pa lang ay ramdam mo na ang kilig at romantic chemistry nila sa Habang Buhay.

Base sa trailer ng pelikula, isang vlogger na yayamanin ang karakter ni Elisse habang isang simpleng manggagawa lang si McCoy. Magkakaroon sila ng relasyon, pero isang dagok ang kailangan nilang malagpasan: May sakit ang karakter ni Elisse at maaari siya mawala sa mundong ito in just a snap.

Under the direction of Real S. Florido, mapapanood na ang ‘Habang Buhay’ sa Vivamax simula April 22. Suportahan po natin ang McLisse!

Previous articleAubrey Miles, ikwinento ang naganap na engagement nila ni Troy Montero
Next articleAna Jalandoni tuloy ang kasong RA 9262 laban kay Kit Thompson