Real-life couple Khalil Ramos at Gabbi Garcia magpapakilig sa Stories From The Heart: Love On Air

SA WAKAS ay mapapanood na sa isang mini-series ang real-life couple na sina Khalil Ramos at Gabbi Garcia sa third offering ng afternoon drama anthoology series ng GMA na Stories From The Heart: Love On Air.

Kung sa ‘Never Say Goodbye’ ay pinaiyak tayo nina Klea Pineda, Jak Roberto at Lauren Young sa kanilang istorya na may kinalaman sa sakit na cancer at unrequited love, ngayon naman ay tila mas lighter ang tema ng ‘Love On Air’.

Real-life couple Khalil Ramos at Gabbi Garcia magpapakilig sa Stories From The Heart: Love On Air
Khalil Ramos and Gabbi Garcia in Stories From The Heart: Love On Air

Base sa teaser trailer, ito ay kuwento ng isang DJ na brokenhearted dahil sa pag-iwan sa kanya ng dating co-host na dati rin niyang kasintahan. Makikilala niya ang isang raketera named Wanda, na sa una ay hindi maganda ang kanilang impresyon sa isa’t isa. Eventually ay mukhang madedevelop ito into a romantic relationship nang sila ay magkatrabaho na.

Matagal nang hinihintay ng GabLil fans ang pagsasama ng dalawa. Ang dapat ay ipapalabas na ang GTV-produced series nila na ‘Love You Stranger’ this year, but due to undisclosed reasons ay na-postpone ang lock-in tapings nila at magre-resume na lang daw next year.

Noong Setyembre ay nagpatikim na ng kilig ang dalawa sa Regal Studio Presents: One Million  Comments, Magjojowa na ako. May something ba ang number 3 sa kanilang dalawa? Napansin kasi namin na third offering din ng Regal Studio Presents ang pinagbidahaan nilang episode at sila rin ang nasa ikatlong Stories From The Heart offering. Winner!

Mapapanood na ang Stories From The Heart: Love On Air ngayong Lunes ng hapon ng 3:25PM sa GMA.