Real-life couple Gabbi Garcia at Khalil Ramos magpapakilig sa ‘Regal Studio Presents’ ngayong gabi

MATAGAL-TAGAL na rin hinihintay ng Kapuso viewers lalo na ng fans nina Gabbi Garcia at Khalil Ramos o GabLil na magsama ang dalawa sa isang proyekto sa telebisyon. Almost one year na rin sa bakuran ng Kapuso network ang aktor at sabik na ang mga fans sa pakilig ng dalawa.

Real-life couple Gabbi Garcia at Khalil Ramos magpapakilig sa 'Regal Studio Presents' ngayong gabi
Gabbi Garcia and Khalil Ramos

Early this year ay nag-umpisa na ang lock-in taping ng ‘Love You Stranger‘ na pagbibidahan dapat ng dalawa sa GTV. Ang kaso, nagkaroon ‘yata ng aberya ang production kaya postponed muna ito. Ang huling rinig namin ay itutuloy pa rin ito next year.

The kilig wouldn’t end there dahil magpapakilig na ang real-life couple sa pamamagitan ng third offering ng toprating weekend show na ‘Regal Studio Presents‘.

Ngayoong Sabado ng 8:30PM ay mapapanood natin ang magdyowa sa romance-comedy episode na ‘One Million Comments, Magjo-jowa na ako!‘.

Mula sa direksyon ni Easy Ferrer, ang ‘One Million Pesos..’ ay kuwento ni Ana Marie (or A.M.), isang online tutor na never pa nagkaboyfriend. Sinorpresa ito ng kanyang pinsan (played by Kat Galang) sa isang April Fool’s Day Prank post sa social media na nagviral. Ang prank? Kapag maka-one million comments ang post ay magjojowa na si Ana Marie!

Isang user named Alden Retzardz ang aktibong nagcocomment sa post. Makikilala rin ni Ana Marie si Prince Matt (or P.M.), isang IT technician na magiging ka-close ni Ana Marie. One day, nagpakilala si Alden Retzardz (Manolo Pedrosa). Sino kaya ang pipiliin ng ating bida?

Kung bet niyo ng kilig Saturday, watch niyo na ang pakilig ng GabLil!