Rayver Cruz to Julie Anne San Jose: ‘Mahal Kita!’

NAKAKAKILIG naman ang umuusbong relasyon sa pagitan ng Kapuso stars na sina Rayver Cruz at Julie Anne San Jose, na tinatawag din na ‘JulieVer‘ ng kanilang mga tagahanga. Tila ‘limitless’ ang kilig, huh!

Noong Lunes (May 16) ay nagdiwang ng kanyang kaarawan ang talented actress/singer. Sa video na ayuda ng Sparkle Artist Center ay makikitang nagbibigay ng mensahe ang binata para sa birthday celebrant.

Rayver Cruz to Julie Anne San Jose: 'Mahal Kita!'
Rayver Cruz and Julie Anne San Jose

“Gusto ko lang sabihin how much I appreciate you, Juls. Maraming salamat sa lahat kasi blessing ka sa lahat ng tao, blessing ka for me. You inspire everyone, especially me,” sambit ni Rayver.

“Gusto ko magpasalamat sa iyo and sa pamilya mo. Thank you po sa pamilya ni Juls, sa mga kapatid kasi nakakabisita ako sa inyo,” dagdag pa niya.

Ayon kay Rayver, handa siyang maghintay sa araw na magiging handa na si Julie Anne na umibig muli. Awwww!

“Gusto ko lang sabihin na nandito lang ako. Maghihintay ako kahit gaano katagal. Kapag ready ka na and kapag okay na kay Tito at Tita, palagi lang akong nandito,” he assures.

Para tapusin ang kanyang mensahe, buong tapang na idineklara ni Rayver sa harap ng mga kapamilya at kaibigan ni Julie Anne: “Mahal kita. Happy birthday.”

ANG TAMIS!

Last year pa napapabalitang may namumuong pagtitinginan diumano sa pagitan nina Rayver at Julie Anne. Nag-umpisa ito mid of 2021. Noong panahon din na ‘yun ay bali-balitang nagkakalabuan na sina Rayver at ang kanyang ex-girlfriend na si Janine Gutierrez, na nali-link naman sa kanyang ‘Marry Me, Marry You’ co-star na si Paulo Avelino.

Patuloy naman na nagsasama sina Rayver at Julie Anne sa Sunday noontime show na ‘All-Out Sundays’ at ipapalabas din this Sunday ang second episode ng ‘Limitless’ trilogy.

Hintayin na lang natin at baka malay mo, one of these days ay umamin na rin ang dalawa, ‘diba?

Previous articleKPOP Album Review: FEAR LESS by LE SSERAFIM (1st Mini Album)
Next articleVLOG WATCH: Pasilip ni Paul Salas sa Bench Body Photoshoot in Briefs! (with Derrick Monasterio and Josh Barfuss)