Rayver Cruz, tinipid si Cristine Reyes sa kanilang 1st anniversary!

ADVERTISING

Rayver Cruz, tinipid si Cristine Reyes sa kanilang 1st anniversary!

Rayver Cruz, tinipid si Cristine Reyes sa kanilang 1st anniversary!HALOS KAILAN LANG ay naging masalimuot ang pagsisimula ng relasyong Rayver Cruz at Cristine Reyes. Puno ng kontrobersiya ang kanilang relasyon dahil sa dami ng mga bumabatikos at sa dami ng parang may ayaw sa kanilang samahan.

ADVERTISING

How time flies at naging tahimik na sa ngayon ang mga isyu against them at kamakailan nga lamang ay nag-celebrate na pala sila ng kanilang first anniversary. Nang makausap namin si Rayver, ikinuwento niya kung paano nila ito pinagsaluhan.

“Nag-dinner lang po kami pagkatapos nag-movie na kami. Ganu’n lang muna kasi wala pa talagang oras, eh. Busy siya at busy rin ako, may movie pa siyang pino-promote. Kaya ‘pag makaluwag na ang sked niya saka na lamang kami bumawi.”

Nang tanungin namin ang binata tungkol sa mga gifts nila sa isa’t isa, sagot nito, “Ay si AA (Cristine) na lang tanungin n’yo.”

ADVERTISING

Well, wish lang namin na sana lalo pang tumibay ang inyong samahan!

 

NOONG MIYERKULES, HALOS maghapon kaming nakababad sa taping ng Sa Ngalan ng Ina, ang mini-serye ni Nora Aunor sa TV5 na magbubukas na sa October 3 sa primetime block ng Singko. Kayod to the max ang buong production pati ang mga artista nito dahil malala-king mga eksena ang kinunan sa isang malaking subdivision around Quezon City.

Kitang-kita namin ang piling mga eksena kasama si Ate Guy at Christopher de Leon kaya namin nasabi naming kaabang-abang talaga ang mini-seryeng ito.

Bago mag-alas kuwatro ng hapon, umalis muna sandali ang Superstar upang magsukat ng kanyang susuotin para sa grand launch at presscon na ginanap naman kahapon ng gabi. Sumama kami kay Ate Guy sa House of Laurel ni Rajo Laurel at nakita namin, first hand, ang personal na idinisenyong kasuotan ng pamosong designer para mismo kay Ate Guy.

Classy and glamorosa talaga ang nasabing damit kaya naman nang isinukat na ito ni Miss Nora, tinanong namin sa kanya kung ano ang masasabi niya sa magandang damit na ginawa para sa kanya.

“Nami-miss ko ang magsuot ng mga damit na katulad nito, pa-girl,” natatawa pang sambit ni Ate Guy sa amin dahil parang pang-awards night ang disenyo nito.

At bago pa mag-isip ang iba sa sinabi ni Ate Guy, tungkol lang ito sa mahabang saya na tunay nga namang pang-glamor ang dating at girl na girl talaga ang feeling mo ‘pag suot mo ito. ‘Yun na!

 

BLIND ITEM: KINSA siya? Hindi pa naman masyadong matagal ang kuwentong ito, pero ngayon lang lumabas dahil kinimkim ito ng napagbintangang komedyana. Sa isang umpukan daw, minsan isang gabi ay naikuwento na lang ito ni comedienne dahil wala na rin naman sa kanya ang mga pangyayari, kumbaga hindi na niya dinamdam.

Noong may isa pang teleserye itong komedyana kasama ang sikat na singer-actress, may nangyari raw na ikinaloka ng komedyana. Magkasama sila sa dressing room ng sikat na singer-actress, bale dalawa lang sila roon talaga at ang ibang artista ay sama-sama na sa ibang dressing room. Pack-up na raw sila pareho ng sikat na singer-actress kaya pareho na nilang ipinaligpit ang kanilang mga gamit.

Napuna raw nitong ina ng sikat na singer-actress na parang nawala ‘yung T-shirt ng anak niya. Ang ginawa raw nito ay ipinahalungkat ang mga gamit ng komedyana na hindi na lang kumibo dahil wala naman talaga ito sa mga gamit niya. Hindi raw natagpunan ng ina ni singer-actress sa kanyang mga ka-gamitan ang sinasabing nawawalang T-shirt kaya naman pati ang kanyang van ay pinahalungkat din nito. Sad to say, wala rin ito du’n.

Ini-report daw ito ng komedyana sa mga bosing ng kani-lang istasyon para naman hindi na rin maulit pa. Nang malaman daw ito ng bestfriend ng komedyana, tumawag daw ito at ang sabi, “Best friend, gusto mo padalhan natin sila ng isang truck na T-shirt?” Pero umayaw na rin daw si komedyana at gusto na niyang matapos na ang kuwento.

At isa pang sad to say, napag-alaman ng komedyana na naiwan pala sa bahay ng mag-ina ang sinasabing T-shirt.

 

Twitter: @arnielcserato; Facebook: heavenscents2002@yahoo.com; E-mail your blind items and hottest showbiz scoops sa arnielcserato@gmail.com.

 
Sure na ‘to
By Arniel Serato

ADVERTISING