Rayver Cruz, sarado ang bibig sa pagbubuntis ni Cristine Reyes

ADVERTISING

Rayver Cruz, sarado ang bibig sa pagbubuntis ni Cristine Reyes

Rayver-CruzHINDI ITINANGGI ni Rayver Cruz matagal na niyang hinahangaan si Kylie Padilla kaya super saya niya nang makasama ang dalaga ni Robin Padilla sa pelikula.

Sa isyung may namamagitan na raw sa kanila ng actress, isang pagkatamis-tamis na ngiti ang naging tugon ni Rayver.

“Humahanga ako sa kanya, I have to admit. Ang hirap kasi na isipin man lang na ligawan ang isang sobrang hinahangaan mo. Actually, twice akong na-overwhelmed nang malaman kong si Kylie, ang paborito at hinahangaan ko ang makaka-partner ko sa movie. Lalo pa kamo when we started shooting na,” say ni Rayver.

So, walang ligawan magaganap sa kanila ni Kylie? Dahil kaya sa sariwa pa kay Rayver ang iniwang kirot ng paghihiwalay nila ni Cristine Reyes? ‘Di ba si Cristine ang last na na-link sa kanya na sobrang minahal, pero ‘di naging maganda ang ending.

ADVERTISING

Napag-usapan na rin si Cristine. Tinanong si Rayver sa isyung buntis daw ang ex-girlfriend niya, courtesy of her Persian boyfriend. Pero sa halip na sagutin ang pagbubuntis daw ni Cristine. Minabuti na lang ni Rayver na tumahimik na tila naging sarado ang bibig para magbigay ng reaction.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING