Rayver Cruz at Robi Domingo, nagkaayos na matapos magkapikunan

ADVERTISING

Rayver Cruz at Robi Domingo, nagkaayos na matapos magkapikunan

Robi-Domingo-Rayver-CruzNAGING ISYU kamakailan ang pagkapikon daw ni Rayver Cruz kay Robi Domingo dahil sa ginawang pagbibiro ng huli kay Rayver on air habang nagpe-perform ng Let It Go para sa production number niya si Sarah Geronimo.

Nagsalita kasi si Robi na tutok na tutok si Rayver sa ex-girlfriend habang kumakanta ito, kung saan sumagot naman daw ang aktor sa TV host ng ‘kung tutukan kaya kita sa mukha?’

Agad na kumalat hindi lang sa mga tabloid kundi maging sa social media ang nangyari.

Sa magkahiwalay na interview, nakausap namin pareho sina Robi at Rayver. ‘Di naman itinago ng TV host na may pikunang nangyari, pero agad din naman itong naayos at hindi na lumaki pa gaya ng mga nabalita.

ADVERTISING

Ayon kay Robi, nagkahingian sila ng sorry agad ni Rayver. May mga biro talaga siya minsan na maaaring iba ang maging dating sa ibang tao.

Para kay Robi, miscommunication lang ang nangyari at agad naman itong naayos kung kaya’t hindi na ito dapat palakihin pa at mag-move on na ang lahat. Humingi rin siya ng tawad sa mga Rayver at Sarah fans na nag-react sa nangyari na hindi niya dapat ito inuungkat lalo’t ‘di naman niya talaga alam ang totoong nangyari sa relasyon ng dalawa.

Sa parte naman ni Rayver, ipinaliwanag nito na hiritan lang nila ni Robi ang nangyari, na ganu’n lang talaga siyang humirit dito at ang pagkakamali niya ay nakalimutan niyang on-air sila at maaaring ma-misinterpret ng ibang tao ang naging biruan nila ni Robi.

Siniguro sa amin na walang isyu sa kanila ng TV host at magkaibigan silang dalawa, nakarating din sa kanya sa social media ang tungkol dito, pero binalewala na lang niya dahil alam niyang wala namang katotohanan.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

ADVERTISING