Rayver Cruz, may bagong girl na idine-date!

ADVERTISING

Rayver Cruz, may bagong girl na idine-date!Rayver Cruz, may bagong girl na idine-date!FINALLY HAD the time to watch The Voice of the Philippines sa internet.

Masyado palang madrama ang presentation, just like ABS-CBN’s past reality-based shows. Palaging me sob stories to tell ang mga contestants. Maybe this is the way to make the show more appealing. Alam n’yo naman ang mga Pinoy, they love sad stories.

The coaches have their own drama, too.

Si Lea Salonga, masyadong OA. She reeks of class and sophistication and having said that she wasn’t appreciated in the country when she was much younger, she probably thought that being a little down to Earth  sa show will change people’s perception of her. But no, she’s wrong, very, very wrong.

Her reactions to some contestants are very THEATRICAL and to some extent, HYSTERICAL.

ADVERTISING

Actually, nagmukha siyang TRYING VERY HARD, WALANG SINCERITY at FAKE.

Exact opposite naman sila ni Sarah Geronimo na most of the time ay ipinapakita ang sarili niya. She cries when she feels emotions building up her chest. She’s not afraid to hug a contestant. She was REAL.

Apl. de. Ap, being an international artist, brings so much confidence in the show. He’s too confident perhaps that he forgot MANNERS.

There was one instance na nakataas ang paa niya while listening to a contestant. And in one episode last Saturday, we saw him na nagkakamot ng kanyang braso.

Rayver Cruz, may bagong girl na idine-date!Also, he looks MABAHO. It was disgusting to see his kili-kili nang itaas niya ang kanyang kamay. He should have dressed better than wearing a sleeveless outfit.

And what about Bamboo?

Well, he’s just a rock star. That’s all there is to him.

 

ROBIN PADILLA must have wished na nasa tabi siya ni Mariel Rodriguez nang ma-detain ito sa airport  sa New York recently.

Ang kaso, hindi na-approve ang visa application ni Robin kaya di niya nasamahan ang asawa sa pagdalaw  nito sa kanyang amang may sakit.

Anyway, mukhang happy naman si Robin sa buhos ng trabaho sa kanya. Meron pa siyang entry sa Metro Manila Film Festival this December, ang 10,000 Hours.

At mukhang balik sa action si Robin. Tuwang-tuwa nga raw ang action star sa kanyang latest TVC for Revicon Forte dahil ipinakita rito ang kanyang hilig sa aksyon.

Sa commercial kasi ay isang buffed Robin ang bida, kasama ang ilang mga lalaki na pawang mga  trabahador. Ipinakita ang actor na nagmamaso ng bato at talagang obvious ang kanyang kakisigan.

 

SAW A beautiful girl na sinasabing ka-date ni Rayver Cruz recently.

Si Imee Hart pala ang sinasabing bagong kinahuhumalingan ngayon ni Rayver.

Nai-post ni Dianne Medina, girlfriend ng brother ni Rayver na si Rodjun Cruz, ang photos ng double date nila sa isang restaurant.

Rayver and Imee look good together. At ang ganda pala nito. This is not surprising since meron pala siyang dugong banyaga. She’s half-Filipina and half-German. Actually, mas maganda pa siya kina Sarah Geronimo at Cristine Reyes.

Sa TV 5 lumalabas si Imee at naka-join pala siya sa Bb. Pilipinas pageant this year. She ended up among the 15 finalists.

 

THERE WAS one editor, whom we are not naming at this moment, but should we be forced to do so we will gladly do, na nagrereklamo sa ABS-CBN PR.

The guy took to Facebook to air his disappointment over how the PR people of the Kapamilya network work.

“I am amazed at how ABS-CBN can actually fill up my e-mail inbox in one day with all sorts of press releases. That’s what I don’t call Good PR. It is very impersonal! Anyway, most of them, if not all, I drag to the TRASH to empty out my inbox,” sabi  ng editor.

Any comment, Bong Osorio?

 Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING