Rayver Cruz, itinangging hiwalay na sila ni Cristine Reyes!

ADVERTISING

Rayver Cruz, itinangging hiwalay na sila ni Cristine Reyes!

Rayver Cruz, itinangging hiwalay na sila ni Cristine Reyes!NAKAUSAP NAMIN si Rayver Cruz nu’ng nakaraang Miyerkules, May 2, sa Metrowalk fashion show, kung saan tinanong namin siya agad sa totoong estado ng relasyon nila ng girlfriend na si Cristine Reyes. Kung dati ay iwas magbigay ng anumang pahayag ang young actor, sinagot naman kami agad ni Rayver na sila pa rin ni Cristine. Sobrang okay raw sila, walang nagbago sa kanilang relasyon at ‘di niya alam kung saan ba nanggagaling ang dati pang mga balita na hiwalay na sila.

Sa mga naglabasang photos ni Cristine na iba ang mga kasama sa bakasyon nito sa Boracay, ilang araw na ang nakakaraan, ayon kay Rayver ay kilala niya ang mga kasama ng girlfriend, mga kaibigan ito ni AA at kaya ‘di siya nakasama ay dahil may trabaho siya nang panahong iyon.

Sa matinding pinagdaraanan ngayon ng girlfriend, kung saan humantong sa demandahan ang sigalot nila ng ka-patid na si Ara Mina, nagbigay kasiguraduhan si Rayver na lagi lang siyang nandun para sa kasintahan. Saksi kami sa nakaraang 43rd Box-Office Entertainment Award ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation kung saan isa sa inamin ni Cristine na may matinding pinagdaraanan ang kanilang pamilya at inaalay niya ang korona bilang Box-Office Queen sa kanyang pamilya, sa kanyang ina si Mommy Klenk na mahal na mahal niya at sa kanyang Ate Ara na nagsilbing inspirasyon niya sa kanyang pag-aartista.

MAGKASAMANG DUMATING sa Gui-lermo Mendoza Memorial Foundation ang dating mag-asawa na sila Dra. Vicki Belo at Mr. Atom Henares para bigyang-suporta ang ilan mga endorsers nila na sina Derek Ramsay na siyang nanalo as Box-Office King at Vice Ganda as Phenomenal Box-Office Star.

ADVERTISING

Unang asawa at ama nina Cristalle at Quark, binato agad ng tanong ang dalawa kung nagkabalikan na ba. Klinaro naman ni Dra. Vicki na walang balikang nangyari, pero sa tuwing kaila-ngan niya ng ka-date at makakasama ay laging nandiyan  ang dating asawa para sa kanya. Nagkuwento na may usapan pala sila ni Sir Atom na pagtuntong nila ng 70 years old at pareho pa silang walang partners ay sila uling dalawa, nang tanungin naming kung mahal pa ba nila ang isa’t isa ay agad sumagot sia Sir Atom at Dra. Vicki na hindi naman nawala ang pagmamahal nila sa isa’t isa lalo nat’ napakalalim ng bond na nag-uugnay sa kanilang dalawa.

Palaisipan lang sa amin ang naging interview naman namin kay Cristalle na para sa kanya ay mas gugustuhin niyang huwag na lang magkabalikan ang mga magulang. Alam niyang away-bati ang dating naging relasyon ng mga magulang at para sa kanya ay mas maganda kung maging magkaibigan na lang ang dalawa.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

ADVERTISING