Rayver Cruz is open to do project with Cristine Reyes and Sarah Geronimo

ADVERTISING

Rayver Cruz is open to do project with Cristine Reyes and Sarah Geronimo

Rayver Cruz is open to do project with Cristine Reyes and Sarah GeronimoALL’S WELL THAT ends well. Ito ang puwedeng ilarawan sa relasyon nina Sarah Geronimo at Cristine Reyes who reconciled matapos magkairingan noon. At sana nga ay magpatuloy ang kanilang mabuting pagsasamahan.

ADVERTISING

Matatandaang binasag din ni Rayver Cruz ang kanyang pananahimik at nagsalita siya tungkol sa pagbabati ng dalawa. Happy raw siya para sa kanilang lahat at hindi na kailangang balik-balikan pa ang isyu.

Sa katunayan, Rayver is now willing to work with Sarah if given the chance. Huling nagkasama sa pelikulang You Changed My Life sina Sarah at Rayver kung saan gumanap sila bilang magkaibigang Laida at Macoy.

Sinabi ni Rayver na kung mabibigyan daw ng pagkaka-taon ay gusto niyang makasama sina Sarah at ang girlfriend niyang si Cristine sa isang project. Sa isang interview with Showbiz News Nga-yon (SNN) ay sinabi niya, “Maganda ngayon dahil tapos na ang isyu. Wala nang tensyon. Masaya ako para sa aming lahat.”

ADVERTISING

Ano kaya ang masasabi tungkol dito nina Sarah at Cristine? Pumayag kaya sila kung magkaroon nga ng offer na project para sa kanilang tatlo? Magkaroon kaya sila ng ilangan kahit pa sabihing magkabati na silang lahat?

At gaya ng nauna niyang sinabi ay inulit ni Rayver na masaya siya that everything is now okay between him and Sarah. “Oo, sobrang (happy) kasi sobrang tagal ko nang gustong  maayos ang nangyari, ang kaguluhang iyon. So ngayon ay okay na okay na talaga” sabi niya.

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

ADVERTISING