Rayver Cruz, ‘di raw magpapa-convert sa Muslim ‘pag naging sila ni Kylie Padilla

ADVERTISING

Rayver Cruz, ‘di raw magpapa-convert sa Muslim ‘pag naging sila ni Kylie Padilla

Rayver-Cruz-Kylie-PadillaSA OCTOBER 22 na pala ang showing ng pelikula ni Kylie Padilla na Dilim ng Regal Films.

ADVERTISING

Horror ito, pero mukhang love story dahil napu-promote ang magandang tinginan nina Kylie at Rayver Cruz.

Sabi kasi ni Rayver, sana raw pagkatapos ng showing ng movie magkikita pa rin sila at lalabas pa rin daw sila.

Ang isyu lang kay Rayver, kung sakaling maging sila raw ni Kylie, hindi raw siya papayag na magpa-convert sa Muslim.

ADVERTISING

Tingin ko naman diyan, hindi siya pipilitin ni Kylie. Kahit si Kylie nga aminado na hindi na raw niya nasusunod ang karamihang batas ng mga Muslim kaya napagagalitan na raw siya. Pero Muslim pa rin daw siya, kaya lang sa dami ng ginagawa niya, hindi na niya minsan nagagawa ang ilang ginagawa nilang mga Muslim.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING