Rayver Cruz, “basted” kay Kylie Padilla

ADVERTISING

Rayver Cruz, “basted” kay Kylie Padilla

Kylie-Padilla-Rayver-CruzKUNG NGAYON popormahan ni Rayver Cruz si Kylie Padilla, posibleng mabasted ito ng dalaga ni Robin Padilla. Nagdesisyon na kasi si Kylie na hindi muna papasok sa kahit na anong romantic relationship. Gusto raw niyang mag-concentrate muna sa showbiz matapos ang break-up nila ni Aljur Abrenica. Kaya naloka raw siya nang binak-apan pa ng ama niyang si Robin na mabait na anak daw si Rayver.

Hindi itinago ni Kylie na may hatid na kilig ang pag-eendorso sa kanya ni Rayver ng sariling ama. Ang problema lang ay wala raw siyang nararamdaman sa kasalukuyan. Hanggang friend lang daw ang turing niya ngayon kay Rayver.

Pero kung makapaghihintay raw ito ay posibleng magbago raw ang nararamdaman niya. Pakiramdam daw ni Kylie, sa susunod na taon pa siya magbu-boyfriend dahil gusto niya munang pagbigyan ang sarili na mapansin sa showbiz.

Samantalang malaking hamon kay Kylie ang pagkakasama niya sa bayani serye ng GMA 7 na Ilustrado sa role na Leonor Rivera. Ang ganda-ganda nga ni Kylie sa kanyang costume nang humarap sa entertainment press sa launching ng Ilustrado na pinagbibidahan ni Alden Richards bilang si Jose Rizal.

ADVERTISING

“Kinabahan ako bilang si Leonor Rivera dahil boyish ako, samantalang konserbatibo at mahinhing kumilos si Leonor Rivera. Kahit sa pagsasalita ay pinag-aralan ko ring mabuti,” say ni Kylie.

Sa tanong kung posible bang mahulog ang loob nila sa isa’t isa ni Alden?

“Na-truma na po ako sa una kong pag-ibig. Feeling ko kasi noon na hindi ako ipinaglaban ni Aljur (Abrenica) kaya focus muna ako ngayon sa aking trabaho. Mabait si Alden pero career muna ang prayoridad namin.”

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING