Rayver Cruz, ‘di na makapaghintay na makasal kay Cristine Reyes?!

Rayver Cruz, ‘di na makapaghintay na makasal kay Cristine Reyes?!

Rayver Cruz, ‘di na makapaghintay na makasal kay Cristine Reyes?! MULING PINATUNAYAN NI Rayver Cruz kung gaano niya kamahal ang kanyang girlfriend na si Cristine Reyes. He was like a knight in shining armor saving a damsel in distress. Nagkasakit kasi kamakailan si Cristine ng viral meningitis and she stayed in the hospital for almost two weeks. The actress was down with a fever for a week bago siya isinugod sa ospital while taping her afternoon series Reputasyon.

While in the hospital ay na-realize daw ni Cristine na sobrang mahal niya ang kanyang boyfriend. “Pinakasiguro iyong nasa ospital ako kasi talagang nandoon siya kapag wala siyang trabaho, magbabantay siya hanggang gabi nakaupo. At siya minsan ang nag-e-entertain kasi ako hindi ako makausap,” she said.

Nakita ni Cristine ang pag-aalala sa kanya ni Rayver na laging nandoon kapag wala siyang commitments. Thanks to Rayver dahil lalong lumakas ang loob ni Cristine na labanan ang kanyang sakit.

Cristine said she is blessed to have Rayver by her side. Aba kung ganito nga naman kaguwapo, kabait, ka-sweet at kaalalahanin ang iyong boyfriend ay talagang swerte ka nga.

Sa kabila ng mga kaliwa’t kanang banat ng intriga ay going strong pa rin ang relasyon ng dalawa. Wala namang problema dahil mismong ang pamilya nila ay boto sa kanilang relasyon.

Hindi ba’t sinabi niya dati sa isang interview na, na kay Rayver na lahat ng mga qualities that she is looking for in a guy? Ang gusto raw niya kasi ay mahal siya at ang kanyang pamil-ya at ipinapakita talaga ng lalaki na sincere ito sa kanya. Indeed, malaking bagay si Rayver na dumating sa buhay ni Cristine.

Mukhang hindi na makapaghintay pa si Rayver na makasal kay Cristine dahil ngayon pa lang ay pinaninindigan na niya ang marriage vow na “for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, until death do us part.” The showbiz couple is celebrating their first anniversary this month.

 

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda