Raymart Santiago, wala nang second chance sa kanila ni Claudine Barretto

Raymart Santiago, wala nang second chance sa kanila ni Claudine Barretto

Raymart-SantiagoHINDI MAN hayagang sabihin ni Raymart Santiago na ayaw na niya kay Claudine Baretto, mababasa mo sa mga ngiti niya na there is no “second chance” para sa dating asawa.

Ang dating tahimik na buhay ni Raymart, nagulo. Naiskandalo, na for the first time, nakaladkad ang pangalan niya sa kung anu-anong mga isyu na ipinupukol sa kanya ng dating misis na umabot pa sa demandahan. Mabuti na lang tahimik na muna ang maiskandalong bangayan nila (sa poder ni Claudine na bawat kibot at utot) ay naka-media na.

Kaya nga timing ang teleseryeng Second Chances para kay Raymart. May pangalawang pagkakataon pa kaya sila ng dating misis. Muli, isang ngiti lang ang isinukli niya sa mga press people na nakapaligid sa kanya.

“No more second chances. Siguro, friends, p’wede pa,” kuwento niya.

Sa matahimik na mundo ni Raymart noon pa man na palaging iwas-intriga at iskandalo, ayaw na niya muling maranasan ang kaguluhan na dala-dala ng isang karanasan na ayaw na niyang balikan.

Sa bagong serye ng Kapuso Network, makakasama niya si Jennylyn Mercado, Camille Pratts, Rafael Rosell, Glenda Garcia and Ricky Davao sa direksyon ni Laurice Guillen.

Reyted K
By RK VillaCorta