Raymart Santiago, suntok sa buwan ang pag-aayos kay Claudine Barretto

ADVERTISING

Raymart Santiago, suntok sa buwan ang pag-aayos kay Claudine Barretto

Raymart-SantiagoKUNG DATI, no-comment ang maririnig mo kay Raymart Santiago kapag nasangkot ito sa gulo. Ngayon ay palaban na ito at sumasagot na sa isyu tulad ng gulong nangyari sa kanila ng wife na si Claudine Barretto.

Last Saturday nga sa Startalk, palaban na sinagot ni Raymart kung may pag-asa pang magkaroon ng second chance ang pagmamahalan at pagsasama nilang mag-asawa.

Sa naging pahayag ni Raymart, suntok daw sa buwan kung magkakabalikan pa sila ng asawang si Claudine.

Sa naturang interview pa rin ni Raymart, lalo pa raw nadagdagan ang gap nila ng asawa nang hindi raw nagkaroon ng katuparan ang visitation rights ng actor para sa anak na sina Sabina at Santino.

ADVERTISING

Naging isyu pa raw ‘yung pagpapahiram sa mga anak ng isang gabi lang sa burol ng yumaong ina ni Raymart.

Tatlong araw raw sana ang request ni Raymart pero pagkatapos ng isang araw ay hindi na raw pinapunta ang dalawang anak dahil daw sa ilang tao nakiramay sa pamilya Santiago.

Sa tono ng naging pahayag ni Raymart sa talk show, lumalabas na parang malabo nang mangyari magkabalikan pa sila ng asawa.

Samantalang may bagong serye si Raymart na ginagawa ngayon sa GMA 7, ang Second Chances, kasama si Camille Pratts.

Sigurado kami sa gaganapin presscon ng bagong serye ni Raymart, dadagsain ito ng tanong sa naging pahayag niya laban sa asawang si Claudine at linawin na hindi kaya ginagamit niya ito para pag-usapan ang serye?

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING