Raymart Santiago is very careful in handling issues with wife Claudine Barretto

FINALLY, SI JACKLYN Jose na ang nagsalita at inaming totoo ang kumakalat na balitang nagdadalang-tao ang anak niyang si Andi Eigenmann.

Hindi naman daw niya sinasabing tama ang ginawa ng kanyang anak, pero proud daw siya dahil paninindigan daw ito ni Andi at itutuloy ang kanyang pagbubuntis.

Hindi man lang mabanggit ni Jacklyn ang pangalan ng nakabuntis sa kanyang anak, dahil iniwan naman daw niya ito nang nalamang buntis na nga ito. Pero dapat, pinanagutan  na lang ito ng nakabuntis.

Si Jolo Revilla naman noon, nagawa niyang panagutan ang pagbubuntis ni Grace at naging mature nga siya at naging responsable nang naging ama na ito.

Pero hindi na ito hinahabol na nina Jacklyn at nagsalita na nga itong ayaw na raw niya itong makita. Kaya naman daw nilang hara-pin ito at hindi raw nila pababayaan si Andi.

Ayaw magkomento ng mga co-stars nina Andi sa Minsan Lang Kita Iibigin tungkol sa isyung ito. Kahit nga sina Lorna Tolentino ay tahimik lang sa isyu at ayaw na raw nilang magsalita tungkol diyan.

Isyu naman daw ‘yun ni Andi kaya hayaan na raw silang magsalita tungkol diyan. Basta nandiyan lang daw sila para sumuporta sa young actress.

Hindi naman katapusan ng mundo iyan. Ang da-ming mga young stars na nagkamali, nabuntis pero nakabalik naman.

Magaling na aktres naman si Andi kaya mabuting harapin muna nito ang kanyang kalagayan ngayon. Tingin ko naman makaka-balik iyan pagkatapos niyang manganak at hindi naman siguro siya pababayaan ng ABS-CBN 2.

MAINGAT PA RING magsalita si Raymart Santiago tungkol sa isyu nila ni Claudine Barretto.

Hindi maiwasang ito pa rin ang tinatanong kay Raymart nang humarap ito sa presscon ng bago niyang GMA Telebabad na Footbulilits na magsisimula na sa Lunes bago mag-24 Oras. Ayaw na nga niya itong pag-usapan pa dahil okay naman daw silang mag-asawa.

Ilang beses na nga si-lang nagbakasyon at wala naman daw silang problemang mag-asawa. Hindi na lang daw nila pinapansin ang mga kumakalat na isyu basta ang mahalaga okay sila ni Claudine.

Handang-handa na ngang bumalik sa trabaho si Claudine dahil malapit na silang magsimula sa Iglot.

Nagsimula na rin si Claudine sa Spooky Nights kaya mas mabuting hintayin na lang daw ang asawa niya na magsalita tungkol sa isyu nito.

Alam nyo naman si Raymart na tahimik lang talaga iyan at walang hilig na magpapatol sa mga isyu.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

Previous articleMale singer, nakitang may kasamang lalaki sa isang hotel sa Davao!
Next articlePeople Asia’s Men Who Matter 2011 Robin Padilla, Bad Boy Gets Better?

No posts to display