Raymart Santiago, ‘di itinanggi ang away nina Dennis Padilla at Marjorie Barretto sa burol ng ina

ADVERTISING

Raymart Santiago, ‘di itinanggi ang away nina Dennis Padilla at Marjorie Barretto sa burol ng ina

Raymart-SantiagoNAKAUSAP PALA ng Startalk si Raymart Santiago sa pocket presscon ng bagong drama series niyang Second Chances.

Doon pa lang nagsalita ang aktor tungkol sa nangyari sa burol ng kanyang ina na kung saan napabalitang nagkaroon daw ng gulo sa gitna nina Dennis Padilla at Marjorie Barretto.

Ang sabi lang ni Raymart, narinig daw niya ‘yun pero hindi raw niya nasaksihan.

Tinanong siya uli kung  totoo ‘yun, sabi lang niya “eh, nasulat na eh.”

ADVERTISING

Kaya totoo nga siguro, dahil hindi naman niya itinanggi.

Ikinuwento na rin ni Raymart na nakausap daw niya si Claudine Barretto nu’ng nakaburol ang ina niya at pinapunta naman daw ang mga anak nila.

Nagulat lang daw siya nang dumating sina Gretchen Barretto, kaagad na pinaalis daw sila.

Nandu’n daw ang mga assistants ni Claudine na kaagad na pinauwi ang mga bata nang makitang dumating sina Gretchen.

Hindi na raw niya alam kung bakit. Pero kabilin-bilinan nga siguro na kapag dumating sina Gretchen huwag iharap sa kanila ang mga bata.

Iyun na lang daw ang huling pagkakataong nakita ni Raymart ang mga bata. Hindi na naman daw ipinakita sa kanya, at hindi na raw niya alam kung ano ang balak nina Claudine.

Ang alam ko, nagkaroon ng emergency hearing pagdating sa support ni Raymart sa mga bata. Kailangan daw kasi ng pang-tuition sa mga bata, at kailangang magkaroon ng hearing kung paano ito maibigay ni Raymart, dahil may kaso pa rin sila.

Sabi na lang ni Raymart, kung ano ang utos ng korte ‘yun ang susundin niya.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING