Raymart Santiago at Claudine Barretto, nagkaayos na?

ADVERTISING

Raymart Santiago at Claudine Barretto, nagkaayos na?

Image courtesy of Instagram: @claubarretto
Image courtesy of Instagram: @claubarretto

MUKHANG NAGKAAYOS na nga ang mag-asawang Raymart Santiago at Claudine Barretto, ha?

Kuwento sa akin ng mga taga-Startalk, may nakita raw sila sa Instagram account ni Claudine na may litrato nilang dalawa kasama ang anak nilang Sabina at Santino.

Baka natuloy na nga ang pa-birthday party nila kay Sabina kaya nagkasama na sila.

Mukhang maganda nga ang paghaharap ng mag-asawa sa korte, kaya lang hindi nila sinasabi kung ano ang napag-usapan.

ADVERTISING

Kinulit ng reporter namin si Raymart kung nagkita na nga sila, pero hindi ito sumagot. Ang sabi lang niya, “gag order”.

Hindi kasi sila puwedeng magsalita tungkol diyan, dahil may kaso pa ng Custody at dinidinig pa nga ito sa korte.

Kaya para safe, quiet na lang sila. Pero pinost naman ni Claudine sa IG account niya, at may caption lang na “the kids, their dad and I”. ‘Yung isang litrato naman na magkasama rin silang tatlo, “happy day” ang caption niya. Ibig sabihin okay na nga sila talaga, at sana nga matapos na rin ang kaso nila.

Sabi nga ni Raymart nu’ng nakaraang interview sa kanya, unti-unti na raw niyang nakikita ang liwanag, sa dating pamilyang nawasak.

Sana nga maayos din. Kaya lang ang dami nang nadamay, ang dami nang nasabi, tapos magkakaayos din pala. Pero kahit na, basta ang importante maayos na sila alang-alang sa kanilang mga anak.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING