Raymart Santiago at Claudine Barretto, may napagkasunduan na?

ADVERTISING

Raymart Santiago at Claudine Barretto, may napagkasunduan na?

Claudine-Barretto-Raymart-SantiagoMAGANDA RAW ang resulta ng paghaharap nina Raymart Santiago at Claudine Barretto sa korte nu’ng nakaraang Biyernes.

Nakunan ito ng Startalk, kaya lang hindi na umabot sa oras, hindi namin naipalabas nu’ng nakaraang Sabado.

Dininig kasi roon sa korte ni Judge Geraldine Fiel-Macaraig ng Branch 192 ng Marikina Regional Trial Court ang custody case  na kung saan kailangang pagharapin ang mag-asawa.

Silang dalawa lang nga ang humarap sa judge at pinalabas daw lahat pati ang mga abogado nila.

ADVERTISING

Halos dalawang oras daw silang nagkaharap doon, at paglabas nila maganda raw ang ngiti ng dalawa.

Maganda pa nga raw ang ngitian nina Raymart at Claudine, kaya siguro maganda ang napagkasunduan.

Hindi lang sila puwedeng magsalita dahil sa gag order mula sa korte, pero maganda ang mga sinasabi ni Raymart na unti-unti na raw niyang nakikita ang liwanag sa pinagdaanan nila.

Nu’ng Sabado nga raw ang kaarawan ng adopted daughter nilang si Sabina, at meron yatang pinaghandaan si Claudine na selebrasyon. Sabi ni Raymart, sana makasama raw siya sa selebrasyong ‘yun.

Sana nga maganda ang kalalabasan ng gulong ito ng mag-asawa dahil pawang kanegahan talaga ang napapabalita tungkol sa kanila.

Ang napansin ko lang, dedma raw si Claudine sa crew ng Startalk na nag-cover sa hearing na ‘yun nu’ng Biyernes.

Irita yata sa Startalk dahil parang kampi raw kami kay Raymart.

Naku ha! Ang daming oras na naibigay sa kanya, no! Siyempre, bibigyan din namin ng chance si Raymart na ilabas ang panig niya.

Saka kung mairita man sa amin si Claudine, eh weno naman!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING