Raymart Santiago, bubuwelta na kay Claudine Barretto

ADVERTISING

Raymart Santiago, bubuwelta na kay Claudine Barretto

Claudine-Barretto-Raymart-SantiagoNALOKA NAMAN ako rito sa mga naglabasang litrato ni Claudine Barretto na may benda ang mukha.

Ito raw ‘yung sagot nina Raymart Santiago sa inilabas na mga litrato ng kampo ni Claudine na may mga pasa siya sa mukha.

Lumabas daw ‘yun sa Twitter account ng abogado niyang si Atty. Ferdie Topacio, na iba-ibang litrato na kung saan may pasa ito sa mukha at tinatakpan na lang daw ng make-up.

Siyempre may mga kuha rin ng litrato si Raymart nu’ng katatapos lang daw magpa-opera ni Claudine sa mukha.

ADVERTISING

Hindi naman sinabi kung anong operasyon ‘yun, kung nagparetoke ng mukha o nagpa-lipo. Pero mukhang lipo dahil sa lumiit nga ang mukha niya.

Iyon yata ‘yung nag-guest siya sa Showbiz Central nang lumipat ito sa GMA 7.

Kasi may nakuha rin kaming kopya ng guesting niya sa Showbiz Central na suot ang damit kapareho du’n sa ipinost ni Atty. Topacio.

Gusto lang ilabas ‘yun ni Raymart para maipagtanggol naman ang sarili niya sa ipinapalabas nilang kuwentong binubugbog ito ng aktor.

Ayaw na ngang magsalita sana ni Raymart, pero kailangan na raw niyang ipagtanggol ang sarili. Kaya magsasalita na ito sa Startalk. Abangan n’yo ‘yan sa Sabado.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING