Raymart Santiago, ayaw nang patulan si Claudine Barretto

ADVERTISING

Raymart Santiago, ayaw nang patulan si Claudine Barretto

Raymart-Santiago-Claudine-BarrettoNAKAPAPAGOD NA ‘tong mala-teleseryeng kuwento ng away nina Claudine Barretto at Raymart Santiago, ha?

Kung anu-ano na ang naglalabasan, at mga rebelasyon na ibinunyag ni Claudine, pero hanggang ngayon ayaw pa rin talagang sagutin ni Raymart.

Ayaw na raw patulan pa ‘to ni Raymart dahil hindi na raw maganda ‘yung nagtatalakan sila sa publiko.

Ang sabi ng kampo ni Raymart, kung meron talagang gagawin si Claudine sa kanya na ‘di maganda at harap-harapan, malamang na doon na lang siya magsasalita.

ADVERTISING

Nagsalita na rin si Mommy Inday na nagtanggol kay Claudine. Sinagot din niya ang sinabi ni Gretchen na sila raw ng asawa niyang si Miguel Barretto ang nag-utos na sunduin si Claudine para ipasok sa hospital nu’ng 2010.

Sabi ni Mommy Inday, hindi raw totoo ‘yun dahil nasa Subic daw sila nu’n at nagulat daw sila nang nakatanggap sila ng tawag mula kay Claudine dahil sinusundo nga raw ito nina Gretchen at Marjorie para ipasok sa rehab na may kasamang ambulansya.

Natatakot daw si Claudine dahil may ambulansya pa raw na dala ang kapatid niya. Pero nilinaw ni Mommy Inday na hindi raw sila ang nag-utos nu’n kina Gretchen.

Heto pa ang isang pasabog ni Mommy Inday. May ginawa raw siyang sulat para kina Marjorie at Gretchen na ang bilin daw niya basahin nila ito kapag patay na siya.

Kaloka! Gaano kaya katindi ang nakasulat doon? Kaya parang malabo na talagang magkaayos ang mag-anak na ito.

Si Raymart naman ay ayaw na niyang patulan pa ng talakan sa publiko dahil hindi na raw magandang tingnan. Kaya kapag walang taping sa Villa Quintana, ang mag-skydiving ang pinagkaabalahan niya.

Sa susunod na linggo yata itutuloy ang hearing at tungkol sa child custody raw ang diringgin. Hay, kawawa naman ang mga anak nila.

 

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING