Raymart Santiago at Claudine Barretto, asahan na ang matinding bakbakan sa korte!

ADVERTISING

Raymart Santiago at Claudine Barretto, asahan na ang matinding bakbakan sa korte!

Raymart Santiago at Claudine Barretto, asahan na ang matinding bakbakan sa korte!MAS MATINDI pala itong buwelta ni Raymart Santiago kay Claudine Barretto na nagsampa sa kanya ng Anti-Violence Against Women and Children.

Kumpleto ang mga ebidensyang nakapaloob sa counter-affidavit niya na isinumite kamakailan lang para mapatunayang hindi niya inaabuso o sinasaktan si Claudine, sa halip siya pa nga raw nabugbog at nasaktan.

May mga litrato pa siya na mugto ang mata, gula-gulanit ang damit na parang siya pa ang sinasaktan ni Claudine.

Ang mas matindi pa, may video pa siya at litrato na kuha ng mga kasambahay niya na talagang nagdu-droga raw si Claudine.

ADVERTISING

Nu’ng nag-file nga si Raymart ng counter-affidavit niya, kasama nito ang ilang kasambahay niya na nagkuha raw ng mga ginagawang pagdudroga umano ni Claudine.

Ang matindi pa, pati sina Gretchen, Marjorie at ang kapatid pa nilang si JJ Barretto, meron ding statement na nagsasabing mentally-ill daw si Claudine.

Kaya lang, hindi yata ma-interview si Gretchen tungkol diyan dahil nasa London ito ngayon para ihatid si Dominique na mag-aaral du’n.

Kaya matinding bakbakan sa korte ‘yan, dahil tiyak na may sagot din diyan si Claudine.

Matagal pa ‘tong drama ng mag-asawang ito.

Baka nga kalakihan na ito ng dalawang anak nila na nadamay sa gulo nila.

Hay, naku! Merong kuwento diyan ang Startalk kaya abangan n’yo na lang bukas!

 

Raymart Santiago at Claudine Barretto, asahan na ang matinding bakbakan sa korte!MAY SPECIAL feature din pala kami sa nakaraang Cosmo Bachelor Bash na karamihan sa mga tinilian nang husto roon ay mga Kapuso hunk natin.

Super tili ang mga fans sa tandem nina Tom Rodriguez at Dennis Trillo na sobrang sanay na sanay na sa kanilang loveteam, huh!

Suportado pa sila roon ni Carla Abellana na tuwang-tuwa rin sa pagrampa nila. Kaya nagpapasalamat sila sa suportang ibinigay ng aktres.

Sa October 11 na pala matatapos ang My Husband’s Lover at kasunod nito ay ang malaking concert nila na gagawin sa Araneta Coliseum sa October 12.

Hindi naman nasuportahan ni Kris Bernal si Aljur Abrenica na isa rin sa tinilian nang husto sa Cosmo Bachelor Bash.

Mas okay sana kung nandu’n din si Kris para promo na rin sa programa nilang Prinsesa ng Buhay Ko.

Ang pumunta pala du’n ay si Kylie Padilla na nagbigay-inspirasyon lang kay Aljur, pero hindi na siya nanood.

Ayaw na raw kasi ni Kylie manood ng mga rumarampang lalaking nakahubad. Tama na sigurong si Aljur lang ang nakikita niya. Kaloka!

Si Alden Richards naman pala ang finale ng show at daring din ang ginawa niya.

First time nga raw niyang rumampang naka-sexy shorts at naglandi-landi pa yata du’n ng isang girl.

At least bongga ang mga Kapuso hunks natin na bidang-bida sa nakaraang Cosmo Bachelor Bash na ‘yan.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING