Parazzi Chikka: Raven Villanueva, tadtad ng tattoo sa katawan!

ADVERTISING

Parazzi Chikka: Raven Villanueva, tadtad ng tattoo sa katawan!

Hindi na visible sa limelight si Raven Villanueva. Nasaan na nga ba ang dating demure na TGIS star? Hindi nga ba’t nagpaseksi na rin sa men’s magazines si Raven? At huli nga siyang naispatang umaarte sa indie film na Troika (Threesome, 2007), kung saan may nakakalokang threesome sex scenes siya sa dalawang main actors ng pelikula.

ADVERTISING

Nakatanggap naman kami ng  e-mail mula sa isang anonymous sender kung saan kalakip ang ilan sa mga larawan ni Raven Villanueva ngayon. Meron din itong link ng official modeling portfolio ng dating actress sa ModelMayhem.com – http://www.modelmayhem.com/1473201.

Nakalulula ang dami ng tattoo ngayon ni Raven! Binigla niya ang madla noon nang magdesisyon siyang mag-bold sa pelikula seven years ago. Mas kabigla-bigla ngayon dahil talagang all-the-way na ito kung magpa-sexy sa kanyang mga photoshoots. Ayon sa kanyang portfolio, willing siyang mag-pictorial at a certain rate, at meron siyang mga tattoo sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan, huh!

Inilarawan pa ni Raven ang mga nasabing tattoo sa kanyang katawan: breasts – cherry blossoms;  upper back- wings; lower back right side – fairy; stomach – geisha w/ lotus and dragon w/ peonies; upper thighs right side – peony flower;  upper thighs left side – rose and butterfly; left leg near knee – cherry blossom; at face left side – tiny star. Meron ding siyang piercing o hikaw sa kanyang pusod!

ADVERTISING

Nakapanghihinayang ang galing sa pag-arte ng dating ka-loveteam ni Michael Flores at ina ng anak ni Diego Castro. Kilala na ang dating teenstar ngayon bilang Ravenous Raven.

Parazzi Chikka
Parazzi News Service

ADVERTISING