RATSADA SA PRIMETIME: Dingdong Dantes, magpaparamdam na!

ADVERTISING

RATSADA SA PRIMETIME: Dingdong Dantes, magpaparamdam na!

  
RATSADA SA PRIMETIME: Dingdong Dantes, magpaparamdam na!
Dingdong Dantes

BONGGA ang magiging labanan ngayong gabi sa primetime lalo pa’t ang pagbabalik si Dingdong Dantes sa telebesyon via GMA Kapuso Network’s “Ang Pagbabalik ni Alyas Robin Hood” na inaabangan na ng mga loyal followers niya. 

ADVERTISING
 
Halos magkasabay ang time slot ng FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin mapapanood after TV Patrol na hindi rin papatalo sa kanilang paandar sa mga matitinding action scenes na nasubukan na rin at tinangkilik ng manoood sa ika-100 weeks ng palabas.
 
Ang teleserye naman ni Dingdong ay mapapaanood pagkatapos ng pagbabalita ng GMA  sa kanilang 24 Oras na susundan ng Mulawin vs. Ravena.
 
Pero huwag din ismolin ang paandar ni Pepe de Jesus (karakter ni Dingdong) sa pagbabalik ng serye na hitik sa aksyon scenes tulad ng pangako ng GMA sa karakter nito bilang si Robin Hood na tagapagligtas at kakampi ng ng maliliit at inaapi.
 
RATSADA SA PRIMETIME: Dingdong Dantes, magpaparamdam na!
Andrea Torres, Dingdong Dantes and Solenn Heussaff

Yes, as expected, andun pa rin ang bow and arrow ni Pepe na gamit niya na lingid sa kaalaman ng mga kapitbahay ni Pepe kanilang komunidad, hindi lang siya isang matulungin na abogado para sa maralita na as always, sa kagustuhan na makapaglingkod sa mga maliit at inaapi, pro bono (libre) ang kanyang serbisyo bilang abogado.

 
Sa serye ni Dingdong, mukhang magkaroon ng bagong “love interest” si Pepe (bukod pa kay Venus na nobya niya played by Andrea Torres) sa pagpasok ng karakter ni Solenn Heussaff sa kuwenyo bilang si Iris Lizeralde, ang mayaman na society girl na in love kay Robin Hood.
 
Bongga. Bukod sa aksyon ay may love triangle na sa serye. Goodluck!

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING