Randy Santiago, nanghihinayang kay Claudine Barretto

ADVERTISING

Randy Santiago, nanghihinayang kay Claudine Barretto

Randy Santiago, nanghihinayang kay Claudine BarrettoHINDI ALAM ni Randy Santiago ang gagawin oras na magkita sila ni Claudine Barretto sa kahit saan okasyon. Nasaktan raw kasi ang pamilya nila sa akusasyon ni Claudine kay Raymart Santiago.

Muling iginiit ni Randy na hindi magagawa ng nakababatang kapatid ang saktan si Claudine dahil mahal na mahal nito ang asawa at mga anak.

Anyway, sabi ni Randy ay titingnan niya sa magiging reaction ni Claudine oras na magkita sila. Nanghihinayang si Randy sa pagiging malapit ni Claudine sa kanilang pamilya.

Super close nga raw si Claudine sa kanilang pamilya. Laging presence nga raw ang actress sa lahat ng okasyon ng Santiago family.

ADVERTISING

Hindi rin itinanggi ni Randy nagkakaroon ng problema ang mag-asawang Raymart at Claudine pero never daw nilang inisip na aabot sa ganitong sitwasyon.

Itinanggi rin ni Randy ang akusasyon ni Claudine kay Raymart na hindi dinadalaw nito ang kanilang mga anak.

Bagama’t okey naman daw ngayon si Raymart. Pero ‘di niya alam kung kailan makare-recover ang nakababatang kapatid sa problema nito kay Claudine.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING