‘Random Girl’ Zendee Rose, inisahan ang Siyete?!

ADVERTISING

‘Random Girl’ Zendee Rose, inisahan ang Siyete?!

‘Random Girl’ Zendee Rose, inisahan ang Siyete?!WE DON’T watch drama shows on TV as most of them are not worth-watching as they are more often than not stupidly written and badly directed.

But we were surprised to learn that Zendee Rose Tenerefe’s life story was aired na kasabay raw ng guesting niya sa Wil Time Big Time ni Willie Revillame.

Bakit naman kaya nagkaganoon? Hindi ba naimbiyerna ang GMA-7 sa ginawa ng Random Girl na isinabay pa ang guesting niya sa pagpapalabas ng kanyang life story sa drama show ni Mel Tiangco?

Anyare?

ADVERTISING

Naisahan ba ni Zendee ang Siyete rito?

 

TUWANG-TUWA SI Cristina Decena na tumanggap siya ng Bayaning Filipino award sa nakaraang Gawad Amerika noong November 3 na ginanap sa California, USA where she was awarded the Outstanding Philanthropy honor.

“‘Yan ang ipinagpapasalamat ko sa Diyos. Sabi ko nga, lahat ng mga blessings ko ay shinare ko sa tao. Bonus na lang ‘yung na-recognize ka sa lahat ng mga magagandang nagawa mo,” sabi ni Cristina sa amin.

Other awardees include Saranggani Cong. Manny Pacquiao, Sen. Jinggoy Estrada, Dr. Manny Calayan, Vice-Mayor Isko Moreno, Vice-Governor Daniel Fernando, Broadcaster Raffy Tulfo, Joel Cruz of Aficionado Germany Perfume.

Cristina considers this as her most important award to date.

“Feeling ko ay ito ‘yung pinakamagandang award na nakuha ko sa buong buhay ko kasi parang nasanay na ako na lagi na lang akong ina-acknowledge sa kung ano ang narating ko sa buhay, ‘di ba? Unang-una, ang lagi nilang sinasabi, ‘self-made ‘yan’. Hindi totoo ‘yun. Kung anuman ang nangyari sa buhay ko ay Diyos ang naglagay sa akin dito kaya noong binigyan ako ng award na most outstanding philanthropist ay hindi ko inaasahan. Binalik ko lang kung ano ‘yung magandang ginawa sa akin,” sabi niya.

Seksing-sexy si Cristina ngayon at back to 26 inches ang kanyang waistline. Needless to say, malaki ang nabawas sa kanyang timbang when she and her former husband Ariel Villasanta separated. At it’s been six months na silang hiwalay.

“Sobra akong nalungkot noong maghiwalay kami pero naka-move on na ako. Okay na ako. Siguro 80%. Hindi naman ako nagho-hope na. In God’s time ay mangyayari ‘yan.”

 

BRENT JAVIER is making a showbiz comeback and this time he wants to concentrate on hosting.

Peg nga ni  Brent ang Hollywood actor-host na si Mario Lopez dahil “he also maintains a certain level of dignity and coolness.”

“He’s also one of the hosts you can bank on as endorser as well, not just a host, he’s no one-dimensional. He can act as well.”

To hone his hosting skills ay isinabak na kaagad ni Jonas Gaffud, president of Mercator Artist and Model Management, Inc., si Brent para mag-host ng Touchdown isang  internet show na magsisimula na today, November 19. The first webisode will tackle the life of beauty queens and featured sina Queenie  Rehman, Venus Raj, Shamcey Supsup at ang Miss Universe 2012 na si Janine Tugonon. Mapapanood ito sa pamamagitan ng pag-click sa www.mercatortv.com.

 

HINDI RAW ima-manage ni Angeli Pangilinan si Charice.

Sabi sa isang website, nagsalita na raw si Gary Valenciano sa isyung lilipat na sa Genesis management ang singer.

Natawa naman kami sa comment na kung natuloy raw ang paglipat ay parang na-downgrade raw ang career ni Charice. From Oprah Winfrey kasi ay biglang naging Angeli Pangilinan-Valenciano ang ka-nyang manager.

Well, magaling naman na manager itong si Angeli, ah. Look at Gary V, napanatili niyang very much in demand pa rin ito even with the onslaught of newer and better talents.
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING