Rainier Castillo, 6 na buwan nang nakatengga at walang proyekto

ADVERTISING

Rainier Castillo, 6 na buwan nang nakatengga at walang proyekto

Rainier Castillo
Rainier Castillo

Hindi raw maiwasang malungkot ni Ranier Castillo sa mabagal na takbo ng kanyang career sa kanyang pagbabalik-showbiz.
Ayon nga rito nang makausap namin sa kaarawan ni Archie Chua sa Papa John’s last September 13, “Pa’no ba? Siyempre malungkot. Workaholic kasi ako, gusto ko, laging nagtatrabaho.
“Pero iniisip ko na lang na baka nga wala pang new show o kaya wala pang projects na bagay sa akin. Alam ko naman kasi na darating ulit ‘yung tamang time para sa akin. ‘Yung time na magkakaroon ako ulit ng sunud -sunod na proyekto katulad ng dati.
“Kasi ngayon medyo nababagalan ako sa takbo ng career ko. Wala naman tayong magagawa, so hintay lang. Baka sa susunod meron na, hoping pa rin ako.
“Ayaw ko namang mag-give up. Kasi naniniwala ako na may darating pa at ito kasi ang gusto kong gawin, ang umarte at mag-perform.”
Umaasa nga raw itong mabibigyan ng proyekto bago matapos ang taon, lalo na’t 6 months na siyang waiting since nag-sign siya sa Viva Entertainment.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING