Raffy Tulfo binawi ang ibibigay na tulong sa live-in partner ni Tekla

ADVERTISING
Leo Bukas

IBINALITA ni Michelle Lhor Bana-ag kay Raffy Tulfo sa programa nito sa radio (Raffy Tulfo In Action) na nagkaayos na sila ni Tekla, ang kanyang live-in partner.

Matatandaang ilang araw ding pinag-usapan sa social media ang pagsusumbong ni Michelle kay Raffy dahil diumano sa “pambababoy” ng komedyante sa kanya at sa iba pang mga akusasyon na kaagad ding pinabulaanan naman ni Tekla.

ADVERTISING

“Ito na siguro yung huling pagsasalita ko Sir para po matapos na rin po kasi sobrang dami na rin po talagang banta saka bashers, eh. Una po sa lahat, nagkausap na po kami ni Tekla, para po sa bata na lang. Kasi po ayoko naman pong paglaki ng anak ko malaman niya po kung anong nangyari sa tatay niya, kung anong nangyari sa amin kaya po nag-ayos na kami ni Tekla,” pahayag ni Michelle kay Tulfo.

Raffy Tulfo binawi ang ibibigay na tulong sa live-in partner ni Tekla
Michelle Bana-ag, Raffy Tulfo and Super Tekla

Naging maayos naman daw ang kanilang paghihiwalay ni Tekla kasabay ng pagpirma niya ng isang kasulatan. Wala rin daw siyang hininging pera sa dating ka-live-in nung makausap niya ito nang personal kasama ang manager.

Ayon pa kay Michelle gusto pa rin ni Tekla na makasama ang kanyang mag-ina pero hindi na raw dapat kasama ang mga pamangkin ni Michelle bagay na hindi naman sinang-ayunan ng huli.

ADVERTISING

“Hindi daw po niya kargo yung pamilya ko. Kaming dalawa lang daw po ng anak ko ang aakuin niya. Hindi po ako pumayag kasi hindi ko po magagawang iwan sila, anim na minors po yon na nag-aaral,” sabi pa ni Michelle.

“May pirmahan po kami. Pero hindi po ako nag-demand kung magkano yung suportang ibibigay niya sa bata. Siya na lang siguro ang bahala, Sir,” sabi ulit ni Michelle.

Samantala isang abogado ang nag-cross examine kay Michelle sa programa ni Raffy at lumabas sa mga naging sagot nito sa tanong na mahina ang kanyang ebidensiya laban kay Tekla kung itutuloy niya ang pagsasampa ng kaso dito.

Pinakinggan din ni Tulfo ang boses ng netizens na ipa-drug test at lie detector test si Michelle kung talaga bang nagsasabi siya ng totoo. Sumang-ayon naman dito si Michelle at siya pa mismo ang naghamon na gawin ito para daw malinis ang kanyang pangalan.

Pero sa pinakahuling paghaharap nina Michelle at Raffy sa radio program ay biglang nagbago ng posisyon si Michelle.

Tanong ni Raffy kay Michelle, “Umaatras ka na raw don sa hamon mo kahapon na ikaw ay magpapa-drug test thru the hair?”

Sagot ni Michelle, “Opo Sir. Kasi po pinagalitan ako ng tita ko kahapon pagkatapos po ng interbyu. Sabi po kasi nila may binat pa raw po ako tapos huwag daw po munang ipagalaw yung buhok.”

Natawa naman ang broadcast journalist sa katwiran ni Michelle.

Aniya, “Michelle, Michelle, Michelle, mukhang sinunog mo ang sarili mo sa akin. Mabibinat ka? Eh, ang gagawin naman sa buhok, hindi yon bubunutin bagkus yon ay guguntingin lang. Sinabi na sa iyo ng staff yon. Paano ka mabibinat do’n, eh, hindi naman yon hihilahin yung mga buhok mo, 100 hundred lang ng buhok mo, parang nagpagupit ka lang.”

Ang tawag sa proseso ng drug test na gagawin sana kay Michelle ay follicle drug test. Mas epektibo raw ito kesa sa urine test. Sa follicle drug test ay makikita sa hair strands kung talagang gumagamit pa ng illegal drugs ang isang tao dahil tumatagal ang drug substance sa buhok ng hanggang 90 araw.

Dahil sa biglang pag-atras ni Michelle sa hamon niyang magpa-drug test ay binawi na rin ni Tulfo ang una niyang mga ipinangako dito tulad ng pustiso, bayad sa renta ng 4 months, groceries.

“Hindi mo lang sinunog yung sarili mo sa akin kundi ang ginawa mo nag-dive ka sa isang dagat na umaapoy. Very clear na sa akin, this is now an indication to me na meron ka talagang itinatago, you’re lying to me.

“Kasi alam mo, kapag sa urine puwede mong iwasan. Dito kasi, kapag 90 days malalaman kung gumagamit ka pa rin o hindi. Yung palusot mo, na sabi ng tita mo na mabibinat ka that’s bullshit,” direktang sabi ni Tulfo kay Michelle.

Humirit naman si Michelle na kung hindi raw talaga makakaapekto sa kalusugan niya bilang 4 months pa lang siya nakakapanganak ang drug test sa buhok ay puwede pa rin daw itong ituloy. Kaya lang, diin ni Raffy, “Hindi na! Hindi na!”

ADVERTISING