RADIO JOCK AT AKTRES, HINDI RAW MAGSYOTA PERO MAGKATABING NATULOG?!

ADVERTISING

RADIO JOCK AT AKTRES, HINDI RAW  MAGSYOTA  PERO MAGKATABING NATULOG?!BLIND ITEM: KUWENTO ito ng isang caretaker who tends the house of a popular showbiz doctor in a European country.

Condo unit ang binabantayan nito situated in the heart of the world-famous capital in Europe, home to her employer’s showbiz friends who take a break off their commitments. Isa rito ang rumoured showbiz pair: the girl is a homegrown artist of a TV network while her boyfriend (pero hindi nila inaamin ang kanilang relasyon), a TV host-radio jock, works for a rival station.

ADVERTISING

Curious na nagtanong ang caretaker sa recent guests ng kanyang amo, totoo nga bang magnobyo ang dalawa? Ang nakuha nitong sagot: Wala naman silang pag-amin (or denial), kaya nananatiling unconfirmed ang balita.

Hirit uli ng tagabantay: “E, kung wala silang relasyon, bakit diyan sa iisang kuwarto sila natulog nu’ng minsang magpunta sila rito?”

Bakit, puwede namang sa sahig natulog ang lalaki, ‘di ba? Mga malisyosa!

ADVERTISING

VIA PHONE PATCH interview on Tweetbiz nitong Lunes, pinabulaanan ni Leo Dominguez na depression ang dahilan ng pagkakaospital ng kanyang alagang si Lovi Poe sa St. Luke’s Medical Center sa Global City.

Depression ang theory dahil sunud-sunod nga naman ang mga balita tungkol sa nobyo ni Lovi na si Ilocos Sur Rep. Ronald Singson, but Leo explained otherwise.

Apat na araw kasing walang tulog ang aktres, matamlay pa raw ito nu’ng sumipot sa recent presscon, naghalu-halo na raw ang ubo at lagnat, hence Lovi’s confinement. Bale Sabado ‘yon when an adprom staff made a last-minute advice to Startalk TX that Lovi could not come.

For the sake of argument, bibilhin namin ang eklay ni Leo, but he cannot discount the fact na may kaugnayan din ang sobrang pag-aalala ni Lovi sa boyfriend, resulting in her fever o kung anuman ang tawag du’n.

Lovi’s no-show on Startalk TX could also be attributed to the adprom’s last-minute decision na huwag nang isalang ang aktres sa promo rounds nito lest mas “mapo-promote” pa ang kaso ni Ronald kesa sa pelikulang kasama siya.

Imagine, isa lang si Lovi sa apat na leading ladies sa movie, pero lumalabas na siya ang bida? Well, that’s scene stealing in a way, hindi nga lang deliberate.

BUKAS NG GABI ang ikalawang installment ng month-long Valentine offering ng Untold Stories ng TV5. Chronicled and documented on Face To Face, iba’t ibang mukha ng pag-ibig ang hatid ng mga kuwentog tulad ng ‘Isang Bahay, Dalawang Maybahay’ (February 10). Tampok dito sina Cherie Gil at Princess Punzalan na nag-aagawan sa pag-ibig ng babaerong si Ricky Davao.

Bernard Palanca, Carlene Aguilar, Sharmaine Suarez and Sheryl Cruz topbill ‘Sa Piling ng Kaaway’ (February 17). Magtatapos naman ang isang buwang Valentine treat na ito sa February 24 via ‘Inagaw Mo ang Ligaya Ko’, starring Gloria Diaz and Jean Saburit na parehong maiinlab kay Christian Vasquez.

Kung mediator ang drama ni Amy Perez sa talakseryeng Face To Face, narrator naman siya sa Untold Stories na mapapanood tuwing Huwebes pagkatapos ng Willing-Willie.

RADIO JOCK AT AKTRES, HINDI RAW  MAGSYOTA  PERO MAGKATABING NATULOG?!
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

ADVERTISING